^

PSN Showbiz

Misis ng mayamang personalidad may blue ribbon committee sa kamag-anak ng mister

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga kamag-anak ang isang sikat at yayamaning male persona­lity na may kinikimkim na sama ng loob sa kanyang misis. Hindi raw kasi parehas sa buhay ang misis ng kanilang kadugo.

Pagdating kuno sa mga kamag-anak ng misis ng male personality ay napakabilis niyang tumulong, wala nang tanung-tanong, pero pagdating sa kanila ay kailangan pa yatang dumaan sa blue ribbon committee ng Senado ang kanilang inilalapit na tulong.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n naman yata kasi talaga, kung sino ang mayhawak ng pera, ‘yun ang nasusunod. Alam naman nating lahat na hindi naman mayaman ang angkan ng male personality, di ba?

“Kahit naman ang family ng girl, e, hindi maya­yaman, pero hindi ‘yun problema, dahil kapag may mga kailangan sila, e, mabilis ang aksiyon ni misis!

“Kaya nga may sama ng loob sa wife ng male personality ang mga kamag-anak niya. Mahirap daw lumapit nang basta-basta sa girl dahil napakarami muna niyang tanong bago tumulong!

“Pero kapag mga relatives niya ang nangangailangan, e, walk in the park lang ang drama nila, agad-agad, nagbibigay si misis!” unang kuwento ng source.

Siguradong may naririnig nang mga ganu’ng kuwento ang sikat na male personality pero hindi na lang ito nagtatanong sa kanyang misis dahil baka mag-away pa sila.

Patuloy ng aming impormante, “Napakabait ng taong ‘yun, wala siyang pinipiling tulungan, basta may lumapit sa kanya para humingi ng tulong, bigay na agad siya!

“Alam na alam niya kasi ang damdamin ng mahirap, galing din siya sa ganu’ng klase ng buhay, sinu­werte lang talaga siya nang todo kaya siya naging super-yaman.

“Sana lang, e, makuha rin ng wife niya ang ganu’ng ugali niya, ‘yung walang pinipiling tutulungan, ‘yung hindi na nang-uurirat pa kung saan ‘yun gagamitin ng humihingi ng suporta sa kanila.

“Saka sana, e, maging welcome din sa kanya ang mga kamag-anak ng mister niya, hindi ‘yung puro kamag-anak lang niya ang inaalagaan niya ng support!

“Unang-una, e, hindi naman siya ang nag-akyat ng kayamanan sa family nila, ang husband niya naman, nagkataon lang na siya ang misis!

“Siya ba ang nagpapakamatay para yuma­man pa sila lalo, nanonood lang naman siya, di ba, ang husband niya ang nakikipaglaban!” napapailing na kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Oh pinagsasabong lang...Daniel nai-insecure na raw kay Alden?

Wala naman sigurong katotohanan ang lumulutang na kuwentong inaatake na ng insecurity ngayon si Daniel Padilla kay Alden Richards dahil sa matinding tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

Ang Star Cinema mismo ang nagpahayag na ang Hello, Love, Goodbye ang deklaradong unang Pilipinong pelikulang nakapagtala nang pinakamalaking kinita sa kasaysayan.

At kinabog na rin nu’n ang kinita ng pinagtambalang pelikula ng Kath­Niel, ang The How’s Of Us, na dating mayhawak ng korona.

Sa biglang paghusga ay puwedeng maapektuhan nga si Daniel sa ipinakitang lakas sa takilya ng tambalan nina Alden at Kathryn pero mas gusto naming maniwala na masaya ang aktor dahil si Kathryn pa rin ang leading lady na nagdala ng proyekto.

Ang tagumpay ni Kathryn ay itinuturing na ring tagumpay ni Daniel, ikinaliligaya niya ‘yun, kaya wala kaming makitang dahilan para siya ma-insecure kay Alden.

Ang mahalaga ay parehong kumita ang kanilang mga pelikula, pinilahan ‘yun sa takilya ng mga kababayan natin sa buong mundo, kaya walang nakalalamang sa kanilang dalawa.

Walang makakokontra sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, kundi nga lang napirata ang kopya ng pelikula ay baka nga lampas pa sa isang bilyon na ngayon ang kinikita ng pelikula nina Alden at Kathryn, nagsasalita ang mga pigura kung paano ‘yun tumabo sa takilya.

Huwag na sanang pinagsasabong sina Daniel at Alden, pareho silang sikat at matagumpay, pero may kani-kanyang talento sila at katangiang maipagmamalaki na kanilang-kanila lang.

Pero hindi maitatanggi na napakalaki ng nagawa ng Hello, Love, Goodbye kay Alden Ri­chards. Tumaas ang kanyang premium, napansin ng publiko na hindi lang pala basta pakilig ang kaya nitong ibigay, aktor si Alden Richards!

vuukle comment

BLUE RIBBON COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with