^

PSN Showbiz

Bea, Gerald, Julia at Joshua inaabangan ang gagawin sa ball!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea, Gerald, Julia at Joshua inaabangan ang gagawin sa ball!
Bea

Inaabangan ngayon sa ABS-CBN Ball kung ano ang drama pag nagkita-kita sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Julia Barreto at Joshua Garcia.

Sinabi raw ni Bea sa ilang close friends na dadalo siya sa ball na gaganapin sa Shangri-La, Taguig sa September 14.

Ang sabi, mag-isa siyang rarampa dahil single naman siya ngayon and moving on.

Marami raw sa mga kaibigan niya na nag-aalok sa kanyang sa mesa na nila siya sumali pero hindi pa alam kung kanino niya type mag-join.

Ang alam namin ay tiyak na dadalo sina Julia at Joshua, pero wala pang nagkumpirma sa aming dara­ting si Gerald. Kung matutuloy silang lahat, tiyak na sa kanila naka-focus lahat.

Pero bago ang ABS-CBN Ball, nag-confirm na rin daw si Bea na dadalo siya sa Sine Sandaan ng Film Development Council of the Philippines na gaganapin sa Kia Theater sa September 12.

Malaking selebrasyon itong aabot ng 300 showbiz luminaries ang dadalo, at isa rin sa paparangalan ay si John Lloyd Cruz.

Ysabel hindi maligawan, gwardyado ng senador at heneral

Humarap sa ilang miyembro ng media ang mga bagong talents ng GMA Artist Center na karamihan sa kanila ay galing sa Kapamilya network, at nabigyan ng magandang project sa Kapuso network.

Kabilang dito sina Jon Lucas na nasa Descendants of the Sun, Anjo Damiles na sa Madrasta naman, Ysabel Ortega na sister ni Alden Richards sa The Gift at si Erin Ocampo ng GirlTrends dati na nasa Beautiful Justice naman ngayon.

Kasama rin ang bagong talents na si Faye Lorenzo na girlfriend ng StarStruck avenger na si Jay Arcilla at ang anak ni Jestoni  Alarcon na si Angela Alarcon.

Maganda ang role na ipinagkatiwala kay Faye sa Madrasta at ang anak ni Jestoni Alarcon na si Angela na kasali naman sa Beautiful Justice.

Isa sa medyo mainit na interbyuhan namin ay ang kay Ysabel Ortega na hindi naman iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa kanyang amang si Sen. Lito Lapid.

Nagulat nga ang ilang miyembro ng media nang nalaman nilang anak pala ni Sen. Lapid si Ysabel kay Michelle Ortega.

Nakuha ni Ysabel ang pagiging ma-PR sa kanyang magulang at walang no comment sa kanya. Sabi naman daw ng Mama niya na maging honest sa mga sagot niya at huwag nang iwasan ang tungkol sa Papa Lito niya dahil mauungkat at mauungkat din naman yun.

Kaya nung kinumusta namin sa kanya ang tungkol sa Papa niya, okay naman daw sila sabi niya at nagkausap na raw sila pero sa telepono pa lang. Pero matagal-tagal na rin daw silang hindi pa nagkikita. “I told him po na nandito na po ako sa Kapuso network, and he’s very happy for me and supportive naman po siya.

“Sinabi naman niya na no matter what, he wishes me well sa career ko po,” pakli ni Ysabel.

Pero inamin ni Ysabel na mas close siya sa kanyang stepdad na si Gen. Greg Pimentel, ang pinakasalan ng Mama Michelle niya.

Wala naman daw conflict sa dalawang daddy niya dahil alam naman daw ng Daddy Greg niya kung saan niya ilulugar ang sarili bilang ama. Pero sa kanya nga mas close si Ysabel kesa sa Papa Lito niya. “For me naman po ang pagkakaroon ko ng dalawang Dad…parang the more the merrier.

Kaya ang hirap pa ligawan si Ysabel dahil bukod sa super bantay ang Mama niya, may nakabantay na isang heneral at senador.“Dami pong bantay. Marami pong takot sa bago kong Daddy,” natatawa niyang pahayag.

“May nagsasabi nga po na nakaka-inti­midate nga raw po talaga. Pero I’m studying right now and at the same time, I’m working…tapos yung school ko po na full time talaga na I go to school everyday. So, wala rin po talagang time, itutulog ko na lang po,” saad ng 20-year old Kapuso actress.

Samantala, excited si Ysabel dahil sa drama series ni Alden Richards siya unang isinabak.“When I spoke with Artist Center, tinanong nila sa akin kung sino ang gusto kong makatrabaho, isa po dun si Kuya Alden. Kaya I’m very happy na first teleserye kasama ako,” masayang pahayag ni Ysabel.

 

vuukle comment

BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with