^

PSN Showbiz

Sue na-appreciate na inuna ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue na-appreciate na inuna ang sarili

Kamakailan ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan sina Sue Ramirez at Joao Cons­tancia. Aminado ang aktres na sa ngayon ay nahihirapan pa rin siya dahil sa mga nangyari.

“Mahirap siyempre kasi nasanay ka na nandiyan ‘yung tao. Pero ang da­ming differences kasi. Marami kaming bagay na hindi napagkakasunduan. We really wanted it to work pero ‘pag hindi po talaga, hindi po talaga eh,” bungad ni Sue.

Umabot lamang ng dalawang taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Kahit nagkahiwalay na ay nagkakausap pa rin naman paminsan-minsan sina Sue at Joao. Hindi masabi ng aktres kung posible pa silang magkabalikan ng BoyBandPh member. “Maayos po ang naging usapan namin. Sa ngayon po unahin po muna ‘yung sarili ko. I have a tendency when I’m in a relationship, I’m really, really dedicated to it. Ibinibigay ko buong-buo ‘yung sarili ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na inuna ko muna ‘yung sarili ko,” nakangiting pahayag ng aktres.

Inigo, pinagsisihang nasaktan si Maris

Pinagsisisihan ni Inigo Pascual na nasaktan niya ang damdamin noon ni Maris Racal. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas kaya nagkahiwalay nang landas. “It was not intentional. I was sad that it had to be that way. We’ve talked about it. It’s a situation that I didn’t want to be in. I didn’t want to break her heart and it’s sad to have to go through it but we went through it,” makahulugang pahayag ni Inigo.

Para sa singer ay nasaktan din siya sa mga pangyayari. Mahal ni Inigo ang aktres pero mas pinili ng binata ang career. “She was ready to be in a relationship. I was in a situation wherein I just couldn’t give that and that was very hard for me as well,” giit niya.

Ngayon ay nanatiling magkaibigan sina Maris at Inigo. Ayon sa binata ay hindi niya talaga naibigay kay Maris noon ang panahon na kinailangan ng aktres. “She needs someone that could be there for her and there were a lot of times, simple days where I just could not be there for her. I didn’t like that feeling. If I were to be in a relationship, I want to be able to give my all as well and it just wasn’t the situation that we were in at that time. Even now, it’s not easy to have to accept that and have to go through. Especially when someone is there ready for you,” paliwanag ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with