^

PSN Showbiz

Gerald nagpasalamat pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald nagpasalamat pa!

I appreciate very much ang effort ni Gerald Anderson to extend his thanks thru Young JV Kapunan, Salve.

Hindi ko alam kung bakit nag-thank you si Gerald sa akin but whatever it is, talagang pinahanga niya ako sa pagiging tahimik tungkol sa nakaraan na siglo sa kanyang buhay.

Only a man of strong faith can recover from that emotional turmoil, left and right ang suntok sa kanya, but he stands tall.

May naramdaman din na sakit si Gerald kaya gusto nito na isigaw ang kanyang mga saloobin pero pinigilan niya ang sarili para huwag nang lumaki ang apoy.

Sa pinagdaanan ni Gerald na kontrobersya,he said, she said and the truth lang naman ang nasaksihan ng lahat.

Silang tatlo pa rin nina Bea Alonzo at Julia Barretto ang nakakaalam sa katotohanan at may karapatan na umayos sa problema.

So next chapter na, hintayin na lang ang susunod na episode but be quiet, be smart, just go on. Life is a circle, where you start, doon  ka rin magtatapos.

Young JV kahanga-hanga ang ugali

Pinahanga ako ni Young JV Kapunan, isa sa mga celebrity ambassador ng MegaSoft ni Aileen Go.

Talagang cowboy na cowboy siya at adjusted sa kagagahan ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) kahit pa sabihin na London bred dahil dito siya nag-aral at mula siya sa angkan ng popular Kapunan clan.

Nakita ko ang ang pagiging down-to-earth ni Young JV kahit pa mga kalokohan ang mga sinasagot niya sa mga tanong namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu nung Martes.

Enjoy ako na habang sumasagot si Young JV, kumakain siya ng banana cake ni Benjie Dela Cruz at ng barbecue ng Kalye Inasal ni Pia Romeo.

Nakakatuwa na  hindi  iniwasan ni Young JV ang mga tanong namin at love siya ni Cristy dahil appreciated niya ang mga tattoo sa katawan ng co-host ko na parang lace pa rin ang tingin ko.

Cute talaga si Young JV at hindi ang tipo niya ang mai-intimidate. Saka belong siya sa family ni Red Kapunan at Atty. Lorna Kapunan. Sana magtagumpay si Young JV sa showbiz, new blood, but brave to face the challenge.

Teachers kailangang umangat ang buhay

Basta presscon ng Gabay Guro, pala­ging excited ako. Not because magaganda ang  mga raffle prize nila at kahit may tampo ako kay Daphne ng Smart pero love ko naman si Chaye Cabal- Revilla.

Excited ako to see ang plans nila para sa mga teacher sa 12th anniversary ng Gabay Guro sa September 22. Kung susumahin, malaki ang utang na loob ng lahat sa mga naging teacher nila mula elementary, high school at college.

Without the teachers, parang imposible na ating narating ang mga kinalalagyan natin ngayon.

Sana nga ay magkaroon ng tulungan ang gobyerno at ang Gabay Guro para maging maganda at umangat pa ang buhay at kabuhayan ng mga teacher.

Wala na sana tayong makita na mga mahihirap na guro o’yung mga biruan na para maragdagan ang kanilang mga kita,  pati ang pagtitinda ng sitserya sa school, ginagawa nila.

Nararapat na ibigay natin sa mga teacher ang highest respect. Aside from other benefits, kailangan talaga na mabigyan sila ng mataas na suweldo.

Mabuti na lang, may Gabay Guro na malaking tulong para tumaas ang awareness at pagpapahalaga sa mga guro.

Sabi ko nga, unsung heroes si Chaye at ang mga bumubuo ng Gabay Guro dahil sila ang guardian angels ng mga teacher. Salute to our teachers. We will forever love you.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with