^

PSN Showbiz

True ba ‘di lang kay Julia? Gerald nagkaroon rin daw ng ‘something’ kay Barbie Imperial!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Uy true ba na may time na diumano’y na­ging sina Gerald Anderson and Barbie Imperial?

Kahapon ay isa ‘yun sa napag-usapan sa Take It... Per Minute! (Me Ganun), ang no. 1 digital talk show hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu na napapanood every Tuesday, 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star NGAYON Facebook page.

Yup, ‘yun diumano ang isa sa kasama sa pinag-awayan din dati nila ni Bea Alonzo, bago pa raw si Julia Barretto.

Owww, iba nga siguro ang ‘bagsik’ ng aktor  kung may ganun ngang pangyayari.

Kahit nga ang friend niyang si Young JV na guest ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) kahapon ay shocked. Wala raw siyang alam na may ganun dahil madalas silang magkasama ng aktor sa mga basketball game pero never daw niyang nakita o may nabalitaan siya kina Gerald at Barbie.

Pinag-usapan din sandali si Julia sa programa na bilib ang tatlong host dahil na-divert na sa paglipat niya sa bago niyang bahay ang isyu sa kanila nila Gerald and Bea.

Pero winner na winner pa rin sa isang oras na umabot sa 1 1/2 hours na episode kahapon, ang blind items nila Manay Cristy and Mr. Fu na pinapangalanan ni Manay Lolit.

As in talagang sobra ang tawanan na kinaaaliwan ng mga tumututok sa programa lalo na ang mga kababayan natin sa ibang bansa na talagang nagpupuyat, nakikihula at nagpapabati sa TIPMMG.

Nakakarating in all fairness ang TIPMMG hanggang Aruba, Switzerland, at marami pang bansa na marami tayong mga kababayang nagta-trabaho at ginagawang stress reliever ang panonood ng programa.

Sa Japan ang daming Pinoy na nakakatutok kasama na ang isang friend namin na naka-base doon na araw-araw pinapanood ang episode ng Take It... Yes, kasama siya sa maraming miyembro ng Team Replay sa abroad ng aming programa hindi lang sa Facebook, kundi maging sa YouTube.

Anyway, going back to Young JV, na nag-promore sa programa ng ini-endorse niyang product sa Megasoft na Fasclean.

Common knowledge sa showbiz na galing sa mayamang angkan si Young JV - anak siya ni former Lt. Colonel Red Kapunan na ngayon ay Philippine Ambassador to Myanmar. Pero ayon kay Young JV never niyang naisip na maging military man.

Mas gusto niya talagang maging artist na ang latest digital single niya ay Malandi Ka ang title.

Active din siya sa project nila sa Megasoft kung saan ilang taon na ring endorser ang actor / singer. Una niyang na­ging project ang School is Cool Tour nationwide.  At ngayon nga ay mag-iikot na naman sila sa mga eskuwelahan para sa Fasclean kasama si Ms. Aileen Go na isa na ring certified endorser ng nasabing produkto na VP for Marketing din ng Megasoft Hygienic Products, Inc.

So na-try na ba niyang maglaba? “Yes po. Kasi nung bata kami binibigyan po kami ng task ng father namin,” sagot ng actor/singer.

Nag-aral si Young JV ng seven-months sa London at nag-graduate siya ng college sa Iloilo.

So abangan natin si Young JV na mag-iikot sa mga eskuwelahan nationwide with Ms. Aileen for Fasclean.

Sa mga hindi pa nakapanood ng episode kahapon, pa-like or follow ng Pilipino Star NGAYON FB page.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with