^

PSN Showbiz

Planong movie nina Bong and Maine, nakaka-excite

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Planong movie nina Bong and Maine, nakaka-excite

Hindi talaga mawala ang excitement ko sa movie project nina Senator Bong Revilla at Maine Mendoza. Kahit pa nga next year pa ito balak gawin ni Bong, visualized ko na ang mga eksena.

Sure ako na magiging nakakatawa ang mga palitan nila ng dialogue. Sure ako na they will enjoy each other.

Si Tonton Gutierrez was so impressed nang makausap niya si Maine na love naman ni Bacoor City Mayor Lani Mercado kaya tinanggap nito ang guesting sa filmfest movie nina Bossing Vic Sotto at Maine.

Kapag siguro napalapit kay Maine at nakausap mo ito, mamahalin mo siya.

Na-shock lang talaga ako noon sa pagiging one track minded at mahina na comprehension ng ibang fans ni Maine. Siguro naman, malinaw  na ngayon ang kanilang  mga isip  at naiintindihan na nila ang mga nangyayari.

At least now, sober na sila.Kung minsan, nagiging antipatiko ang ibang  mga artista dahil sa fans nila na akala, alam at puwede na nilang gawin ang lahat.

Na mapapaandar  ang mga bagay bagay sa puwersa lamang nila. Let your idol grow, mas  magiging big star at yayabong ang kanilang mga career kung hindi kayo selfish at mayabang.

Now Maine Mendoza is more at ease and peaceful na nakadagdag sa quality niya bilang star. Go Maine, gaya ni Alden, spread your wings at fly higher.

Alden never nagbago

May Take It... Per Minute! (Me Ganun) kami kahapon kaya hindi ako nakapunta sa presscon para kay Alden Richards na muling humarap sa showbiz press after ng big success ng Hello, Love, Goodbye, ang movie nila ni Kathryn Bernardo at ang pagtanggap  niya ng  international award sa South Korea.

I’m sure, punung-puno ng kaligayahan ang puso ni Alden. Excited pa naman ako makita sila ng kanyang handler na sina Sam at Tenten na pala­ging nasa tabi ni Alden.

Isang bagay na napansin ko kay Alden ang pagmamahal nito sa mga tao na nakasama niya mula noon hanggang ngayon at pagpapakita ng gratitude sa mga tumulong sa kanya, lalo na sa entertainment press kaya well-loved siya.

Kung puwede lang na mag-absent sa Take It... Per Minute! (May Ganun) gagawin ko para makita ko how the added success gave more light in the face of Alden.

He is really a gift, more than a gift. Love you Alden, spread your wings farther and wider.

Yasmien mas focus sa trabaho

Napansin ko sa photo releases ng Beautiful Justice ang changes kay Yasmien Kurdi.

Malaki ang ipinayat niya at mas maganda pa siya ngayon kesa noong single pa siya.

Malaking bagay na masaya ang private life at makikita ito sa physical appearance ng tao. Mula nang mag-asawa at maging nanay si Yasmien, mas naging professional ito at lalong minahal ang kanyang trabaho.

Hindi ko nga akalain magiging domesticated at hands on mother siya. Baka nga si Rey Soldevilla, Jr., her husband brings out the best in Yasmien kaya higit na focused, driven and motivated ito. Married life  has been  good to her.

Abangan natin ang mas mahusay na Yasmien Kurdi sa Beautiful Justice, ang bagong primetime television series ng GMA 7 na mapapanood simula sa September 9, 2019.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with