^

PSN Showbiz

Hindi nakabangon sa tagtuyot dating sikat na female personality napagod na sa career!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sana nga ay magbago na ang kapalaran ng isang pamosong female personality sa susunod na taon. Kung naipon ang mga hindi kagandahang pangyayari sa kanyang buhay at career sa taong ito ay bigla naman sanang kumambiyo nang maganda ang kanyang suwerte.

?Aminado ang kanyang mga kaibigan na nakakalungkot ang nangyari sa babaeng personalidad na ito, sino nga ba ang mag-aakala na ang isang sikat at makapangyarihang personalidad na tulad niya ay makakaranas pala ng tagtuyot sa kanyang karera?

?Kuwento ng isang source, “It took time bago niya natanggap ang nangyari sa kanya. Kahit naman siguro sino, ganu’n din ang mararamdaman, dahil prized possession ka ng isang network, tapos, bigla kang nawalan ng mga shows?

?“Mahirap tanggapin ‘yun, sobrang hirap, dahil reyna siya ng balwarte niya nang maraming taon. Pero one day, e, nagising na lang siya na wala na pala siyang pagkakaabalahang show,”napapailing na kuwento ng aming impormante.

?Mabuti na lang at kumpleto ang support system ng female personality. Nu’ng kasalukuyan siyang dumadaan sa sobrang kalungkutan ay palagi siyang inaalalayan ng kanyang mga kapatid at pamangkin.

?Patuloy ng aming source, “‘Yun ang time na kahit walang okasyon, e, nagkakasama-sama silang buong pamilya. Talagang ginagawa nila ang lahat para aliwin ang sister nila na biglang nawalan ng trabaho.

?“Natural, nagpe-pretend ang girl na okey lang siya, na walang problema kung nawalan man siya ng mga shows, pero alam na alam ng family niya na nagpapanggap lang siya!

?“Isang friend niya naman ang nag-comment na kung minsan, e, may mga pangyayaring instead na negative ang resulta, e, positive pa nga. Kasi, nagkaroon siya ng time na makasama palagi ang mga kids niya.

?“Hindi niya kasi nagagawa ‘yun nu’ng sobrang busy siya, palagi siyang may trabaho, wala na siyang panahon para sa mga anak niya. Ngayong wala na siyang inaasikasong work, e, palagi silang magkakasama.

?“Ang sasaya kaya ng mga anak niya! Baka nga ang gusto ng mga kids niya, e, huwag na sana uli siyang maging busy, para palagi silang nagba-bonding!

?“Sinubukan na niya ang lahat ng paraan, ang dami-dami na niyang kinausap para lang makabalik siya sa gitna ng aksiyon, pero hindi niya talaga taon ito, hindi niya kakampi ang panahon,” nanghihinayang na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Andrea ‘di natitinag sa akusasyong produkto ng siyensiya ang hitsura

Sobrang panglalait ang natitikman ngayon ni Andrea Torres mula sa mga taong walang magawa sa buhay. Personal ang mga bira sa seksing dalaga, kung anu-ano ang mga ibinibintang sa kanya, produkto lang daw ng siyensiya ang kanyang kagandahan.

?Masuwerte si Andrea dahil may mga kaibigan ang kanilang pamilya na makapagpapatotoo na dalaginding pa lang ang aktres ay ‘yun na talaga ang kanyang itsura pati ang ganda ng kanyang katawan.

?Sabi ni Tita Norsky Garcia, isa sa mga dekada nang kaibigan ng pamilya ni Andrea, “Alam dapat namin kung may nagbago sa itsura ni Andeng. We’ve been friends for decades now, kaibigan namin ang pamilya nila.

?“Actually, kami ang nagtulak sa kanya na mag-artista, sayang kasi ang ganda niya, ang body niya, saka matalino si Andera! Saan kaya kinukuha ng mga bashers ang mga kuwentong inilalabas nila about Andeng?

?“Kilala ba nila ang family nu’ng tao? Bakit nila sinasabing pera lang ang habol niya kay Derek (Ramsay), nagugutom ba ang family nila?

?“Dapat nga, e, mag-aaral siya sa Amerika, nandu’n na kasi ang mga relatives nila, pero naagaw na siya ng pag-aartista. Poor girl, hinuhusgahan siya nang walang kalaban-laban,” mahabang depensa ni Tita Norsky kay Andrea.

?May duda na ang mga kaibigan ng dalaga kung saan nanggaga­ling ang mga negang ibinabato sa kanya sa social media. Alam na alam na rin nila kung sino ang nagpapasimuno sa mga kathang-isip na istoryang inilalabas ng mga ito laban sa sexy actress.

?Sabi ng aming source, “Nasasaktan si Andrea, yes, pero tatawanan lang niya ang mga baseless accusations na ganu’n. Matalino siya, she knows who she is, alam niya where she stands, kaya naku, nagsasayang lang ng panahon ang mga bashers na ‘yun!”

?Korek!

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with