^

PSN Showbiz

Troy Montero 'pasa lang' ang inabot sa race car accident; Mangangarera uli

James Relativo - Philstar.com
Troy Montero 'pasa lang' ang inabot sa race car accident; Mangangarera uli
"Babalik din ako," sabi ni Troy Montero sa kanyang Instagram sa Inggles kanina matapos madisgrasya sa Vios Racing Festival 2019 noong Sabado.
Instagram/Troy Montero

MANILA, Philippines — Hindi gaano napano ang actor-turned-racer na si Troy Montero matapos maaksidente noong Sabado, at nagpahaging na magbabalik din siya agad sa race track.

"Babalik din ako," sabi niya sa kanyang Instagram sa Inggles kanina matapos madisgrasya sa Vios Racing Festival 2019 noong Sabado.

 

 

Lunes nang i-post ni Troy ang footage ng kanyang aksidente, kung saan makikitang lumihis sa track ang kotse niya't tumama sa tubig.

"Pabalik-balik ang ulan buong araw. Sinubukan ko pang ayusin ang pag-slide bago magpaikot-ikot para makabalik," sabi niya sa Inggles.

Nang tumama ang gulong niya sa tuyong kalsada, saka naman daw niya sinalpok ang isa pang kotse.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

 

Sa video na ipinaskil ng Toyota Motor Philippines sa Facebook, makikita na nakaabot muna sa finish line si Troy bago madisgrasya.

"... Troy Montero's finish will still count as a finish," sabi ng pahina sa comments section.

Pinahupa naman ni Troy ang pangamba ng ilan, at sinabing okay lang siya.

 

 

"Namamaga ako at may ilang pasa... pero ang mahalaga ay okay tayong lahat," sabi niya sa fans.

Aniya, sa ngayon ay masasabi niyang mas malaki pa ang mga biyayang natatanggap niya kaysa sa mga hinaharap na problema.

vuukle comment

ACCIDENT

RACE CAR

TROY MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with