^

PSN Showbiz

Julia moving on na kina Gerald at Bea?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Julia moving on na kina Gerald at Bea?!
Julia Barretto

Mabuti naman, lumalabas na at nakikipag sosyalan na si Julia Barretto, Salve. Patunay na moving on na siya at siguro nga, testing the ground ang pagpunta niya sa birthday party ni Lorin Gutierrez para makita how the people will react to her presence. Si Lorin ang anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas na nag-celebrate ng 16th birthday noong August 31.

Ang balita ko, nag-enjoy si Julia sa party ni Lorin at hindi siya umiwas sa mga bisita. Ang sabi ng mga naroroon, tanggap na tanggap si Julia ng mga dumalo sa party na good thing dahil at least, moving on na silang tatlo nina Gerald Anderson at Bea Alonzo na isang halimbawa na kahit ano pa ang sitwasyon, walang puwede pumigil sa buhay ng isang tao.

May kasalanan o wala, ang mga kasunod na chapter ang magiging validation kung okey na sila.

Malalaman natin sa mga magiging resulta ng kanilang mga pelikula at teleserye kung tanggap pa rin sila ng publiko kaya wait tayo, sino sa kanila ang winner at sino ang natalo.

‘Do it now, don’t wait for tomorrow’

Kaloka naman ang balita tungkol sa maliit na eroplano na nag-crash sa Calamba, Laguna noong Linggo na may namatay na walong tao.

Nakakaloka rin ang balita tungkol sa jeep na nadaganan ng truck at anim naman ang namatay. ‘Yan ang madalas sabihin sa atin ng mga matatanda na hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ni God kaya dapat, palagi tayong handa at huwag ipagpabukas ang mga bagay na puwedeng gawin ngayon.

Sa isang iglap, puwedeng mawala ang mga tao kaya minsan, mas maganda pa na magkaroon ng karamdaman para kahit papaano, mapaghandaan natin.

May mga bagay na hindi natin aakalain na mangyayari. Dapat na we live by the day, isipin natin na ito na ang last day natin, gawin na natin ang lahat ng mga dapat gawin.

Sana nga ay nakapagdasal ang mga naaksidente para tahimik ang kanilang journey sa kabilang buhay.Ilagay natin palagi sa ating isip ang kasabihan na do it now, don’t wait for tomorrow dahil hindi nga natin alam ang darating. Ipagdasal natin ang mga naging biktima ng aksidente.

Ken at Rita nagbago ang kapalaran

Masuwerte sina Ken Chan at Rita Daniela dahil dalawa ang regular show nila sa GMA-7, ang mga programa na pareho na coming soon, ang One of the Baes at ang Season 2 ng The Clash.

Napansin ang loveteam nina Ken at Rita sa My Special Tatay.

Happy ako para kay Rita dahil dumating na ang break na kanyang pinakahihintay. Matagal na panahon na puro contravida ang mga role ni Rita sa mga teleserye ng Kapuso Network.

Pero nagbago ang kanyang kapalaran dahil sa karakter na ginampanan niya sa My Special Tatay.

Ngayon, bukod sa One of the Baes, mapapanood sina Rita at Ken bilang mga Clashmate ng The Clash. Sila ang ipinalit kina Andre Paras at Joyce Pring.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with