^

PSN Showbiz

Yasmien naging busy sa taping!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Yasmien naging busy sa taping!
Yasmien Kurdi

SEEN: Ang pahayag kahapon ni Louie Ocampo sa It’s Showtime na hindi siya makapag-isip dahil “composer lang ako,” na subtle swipe niya kay Tawag ng Tanghalan Quarter 4 semi-finalist Shantal Cuizon na nag-tweet noong nakaraang Biyernes na “composer lang” ang punong hurado ng singing competition ng noontime variety show ng ABS-CBN. Wala si Ocampo kaya hindi niya narinig nang personal ang public apology sa kanya ni Shantal Cuizon na pinagsisihan ang “composer ka lang” tweet niya.

SCENE: Ikinatuwa ng mga producer ng Regal Entertainment Inc. ang 1.2 million views sa trailer launch noong Linggo ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love, ang youth oriented movie na magbubukas sa mga sinehan sa October 2, 2019.

SEEN: Ang victory party kagabi, September 2, ng cast at production crew ng Just A Stranger, ang blockbuster movie ng Viva Films na umabot na sa P100 million mark ang box-office gross. Sina Anne Curtis, Marco Gumabao at Edu Manzano ang mga artista ng Just A Stranger.

SCENE: Ang pasasalamat ng direktor na si Jun Lana dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa teaser ng Unforgettable, ang dog movie na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo at ng Jack Russel Terrier bred na si Milo. Happy ang pangalan ni Milo sa unang pelikula nila ni Sarah.

SEEN: Hindi pinalampas ni Yasmien Kurdi ang pagkakataon na magpakuha ng litrato na kasama ang veteran singer at King of Christmas Carols ng Pilipinas na si Jose Mari Chan nang magkita sila sa studio ng Sunday Pinasaya noong Linggo. Ang Beautiful Justice ang bagong primetime television series ng GMA 7 na mapapanood simula sa September 9. Naging busy si Yasmien sa taping kaya bihira sila na magkita ng kanyang asawa na si Rey Soldevilla, Jr. na piloto ng mga international flight ng isang airline company.

SCENE: Contract artist ng Viva Records si Geo Ong, ang 22-year old rapper mula sa Palawan. Trending sa YouTube ang music video ng Pekeng Kaibigan na sariling composition ni Geo. Marami ang makaka-relate sa lyrics ng kanta ni Geo.

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with