^

PSN Showbiz

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna nagkabalikan sa pagpapagupit ng aktor?

James Relativo - Philstar.com
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna nagkabalikan sa pagpapagupit ng aktor?
Isang source daw ang nagsabi sa beteranong kolumnista na si Aster Amoyo na together again na muli ang dalawa, na halos dalawang taon ding nagsama.
Instagram/Ellen Adarna, File

MANILA, Philippines — Napapabalita ang diumano'y pakikipagbalikan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isa't isa, na inuugnay ngayon ng ilan sa make-over na ginawa ng aktor sa sarili.

Isang source daw ang nagsabi sa beteranong kolumnista na si Aster Amoyo na together again na muli ang dalawa, na halos dalawang taon ding nagsama.

"Halatang nagkausap nang masinsinan ang mag-partner dahil nakitang nagpagupit na si John Lloyd at nag-ahit ng kanyang balbas. Hindi na siya mukhang ermitanyo ngayon," sabi ng ulat.

Apat na araw na rin ang nakalilipas nang ipaskil sa isang Instagram post ng isang tagahanga ang litrato ni John Lloyd, na makikitang bawas na ang balbas at buhok. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

 

Ngayong Agosto, isiniwalat ni Ricky Lo sa The Star na hindi na "on speaking terms" ang dalawa.

Ayon naman sa ulat ng News5 noong parehong buwan, isang kaibigan naman ni Ellen ang nagsabing nakipaghiwalay siya sa aktor dahil hindi na niya matagalan ang "kawirduhan" ng matinée idol.

Sabi naman ni Beauty Gonzales, na kilalang kaibigan nina Ellen at John Lloyd, hindi na niya alam kung anong nangyayari sa relasyon ng dalawa.

"Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Nung nandun kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala kaming time na magtsikahan sa kakaalaga sa anak ko. 'Di ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila, e. Basta I wish them all the best," ani Beauty.

Taong 2018 nang makitang nagpatubo ng balbas at buhok si Lloydie nang mamataang nakasakay ng "Ikot" jeeo sa University of the Philippines Diliman.

Kapansin-pansin ding lalong humaba ang kanyang balbas at buhok nang lumabas sa patalastas ng kilalang doner/shawarma brand.

"Hindi marahil natiis ni John Lloyd ang anak nila ni Ellen na si Elias Modesto kaya ito nakipagbalikan sa kanyang partner," dagdag pa ni Amoyo.

Ilang showbiz personalities na rin ang nagsalita sa balbasing look ni John Lloyd, at umudyok sa publikong respetuhin ang desisyon ng aktor.

"Respetuhin natin kung ano ‘yung gusto n’yang hitsura, kasi me kanya-kanya tayo (na gusto)," sabi ni Vhong Navarro nitong Mayo.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

RELATIONSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with