^

PSN Showbiz

Willie kailangan ng kasama sa tuktok

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Willie kailangan ng kasama sa tuktok
Willie Revillame

Naisip ko na siguro kapag Sunday na itinutu­ring natin na family day, saka pumapasok ang sadness sa mga tao na wala ang pamilya sa tabi nila.

True na puwedeng on top ng success ang isang tao, maraming pera pero sure ako na you also want someone on your side.

Like si Joey de Leon, may Eileen Macapagal, si Vic Sotto, may Pauleen Luna kaya biglang pumasok sa isip ko si Willie Revillame.

May mga anak si Willie pero wala sa tabi niya. Ang isang babae sa kanyang tabi, he can talk to, plan his future o puwedeng sabihan niya ng mga problema at ‘yon ang wala sa kanya.

Kahit on top at mayaman si Willie, siguro may emptiness din siya na nadarama especially on Sundays na dapat kasama natin ang pamilya.

Kahit busy si Willie at halos walang panahon na libre, hanapan din niya ng oras ang sarili para matagpuan ang isang ideal woman na kanyang makakasama at  share his success.

It is so lonely to be on top alone, mas masarap na may kasama.

Music malaki ang impluwensya sa mood

Malakas ang influence ng music sa mood ng mga tao. It can set you emotionally, when you hear sentimental music, may memories na bumabalik sa isip.

When the music is masaya, you feel light. Magaling na background para sa mood na gusto natin for the day kaya pala tulad ng mga artista, idolized at doble rin ang pagsikat ng mga singer.

Usually nga you fall in love with the singer kapag kumakanta ito dahil nagkakaroon siya ng ibang aura sa stage.

Narinig ko nga minsan na kailangan talaga ang personalidad ng isang singer, dapat may dating at sex appeal siya dahil aside from nadadala ng boses nila ang listeners, gusto rin ng manonood na malakas ang dating ng kanilang physical appearance.

Naging kilabot ng mga kolehiyala  si Hajji Alejandro,  killer ng mga matron ang the late Rico Puno at  pinagkakaguluhan noon ng mga babae si Marco Sison at kahit si Mark Bautista kapag kumanta ay lalaking-lalaki sa stage at grabe rin ang sex appeal ng singers, parang mga matinee idol din.

Jose Mari Chan bagong simbulo ng Pasko

Pasko na talaga dahil nag-guest na kahapon si Jose Mari Chan sa Sunday Pinasaya at kinanta niya ang kanyang hit song na Christmas in Our Hearts. Isa si Jose Mari sa mga Pinoy singer na malakas ang impluwensya dahil sa kanyang mga kanta na magaganda, Christmas song man o hindi.

Talagang si Jose Mari ang isa sa mga simbolo ng Pasko sa Pilipinas at makikita ito sa mga napakarami na meme sa social media.

Parang hindi na kumpleto ang pagdiriwang ng Pasko  sa bansa natin kapag hindi maririnig ang mga Christmas song ni Jose Mari na may karapatan talaga na tawagin na King of Christmas Carols.

At dahil in demand ang mga Christmas song ni Jose Mari, naglabas siya ng bagong Christmas album na may title na Going Home to Christmas.

Ewan ko na lang kapag hindi pa natuwa ang fans ni Jose Mari dahil more than twenty Christmas songs ang mapapakinggan sa Going Home To Christmas.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with