^

PSN Showbiz

Baron itutuloy daw ang trabaho kahit nasa rehab?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Baron itutuloy daw ang trabaho kahit nasa rehab?!

MANILA, Philippines — Pinayagan naman daw si Baron Geisler na mag-taping para sa Ang Probinsyano sakaling matuloy ang sinasabing biyahe uli nito sa rehab.

Ayon kasi sa nagkuwento, nagpaalam diumano ang aktor na babalik siya ng rehab dahil nga sa pag-inom ng alak.

Basta raw ipatawag lang ang actor, handa naman daw itong mag-taping.

Ang tanong lang ng source, puwede kaya ‘yung ganun sa policy ng rehab?

Marami ngang naghihinayang sa nangyari kay Baron matapos siyang bigyan ng malaking break ni Coco Martin sa Ang Probinsyano.

Diumano ay disappointed si Coco sa ginawa ni Baron.

Sinubukan kong magtanong sa isang taga-ABS-CBN at so far hindi pa raw nakakarating sa kanya ang nasabing isyu.

Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magpaliwanag ng aktor na kilala ang kahusayan sa pag-arte pero nababahiran ng intriga ang pangalan dahil nga sa diumano’y paglalasing nito kahit nasa taping.                                      

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with