^

PSN Showbiz

Balikan nina Jolina at Marvin, naudlot!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Balikan nina Jolina at Marvin, naudlot!

Sa halip na mag-react ng hindi maganda sa posibilidad na matatagalan pa bago sila magkaroon ng reunion project, tinanggap na lamang nina Jolina Magda­ngal at Marvin Agustin na baka nga dapat pa nilang mas mapaghandaan ang kanilang pagtatrabahong muli nang magkasama. Sigurado namang sa pelikula ito magaganap dahil pareho nang abala sa kani-kanilang network ang dalawa. Si Marvin sa GMA-7 habang si Jolina naman ay sa ABS-CBN.

Napanatili ng dalawa ang kanilang friendship sa mga panahong nagkanya-kanya na sila ng landas, pero ang fans nila ang may matinding hiling na muli silang pagsamahin.

Maraming sasakyan na hindi mapakinabangan

Kung anu-ano nang mga nakakatawa at kabalbalang panukala ang mga ibinibigay para maibsan ang traffic sa ating bansa. Masyado na raw marami ang mga sasakyan kaya nagsisiksikan na sa kalsada, pero kung totoo ito bakit ang tagal bago ako makasakay palabas at pabalik ng aking bahay sa Novaliches? Hindi na nga ako sumasakay sa aming sasakyan para makatipid, hindi lang sa gas kung hindi sa gastos sa pagkuha ng driver.

If I use a car, gagastos ako ng mga P800 samantalang sa halagang P200 sa bus ay nakapunta na ako sa pupuntahan ko’t nakabalik na ng bahay. ‘Yun nga lamang kahit 74 na ako ay kakailanganin kong tumayo sa bus dahil ang dalawang unang hanay ng upuan intended for seniors, PWD, at pregnant women ay hindi sapat sa dami ng mga may edad, may kapansanan at buntis na lumalabas ng bahay.

Tingin ninyo ba lalabas sila at magpapakahirap kung hindi kinakailangan? Kailangan ng tamang solusyon at nakasasalalay ito sa mga taong binigyan ng assignment para rito, pero bakit wala silang maibigay na kapaki-pakinabang na solusyon? Baka kailangang palitan sila para makahanap ng mas karapat-dapat.

JK dapat nang ayusin ang sarili

May balak pala ang Reality Entertainment na gawing bida sa isa nilang project si Maureen Wroblewitz. Hinahanapan nila ito ng leading man sa kasalukuyan at may nagsa-suggest na kunin nila si JK Labajo na mismong boyfriend nito, dahil sa may talento naman daw ito sa pagkanta at pag-arte. Ang problema, hindi naman pang-leading man ang katawan nito sa kasalukuyan, mataba raw ito.

vuukle comment

JOLINA MAGDA­NGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with