^

PSN Showbiz

Sarah at Maine/Carlo movie may salpukan sa October!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Maine/Carlo movie may salpukan sa October!
Sarah

Tama ba ang narinig namin na sabay ang playdate ng Viva Films movie ni Sarah Geronimo na Because You Love Me at Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza? Sabi pa ng aming kausap, halim­bawang hindi magkasabay ang playdate ng two movies sa October at ang isa sa dalawang pelikula ay mauunang ipalabas,  mag-aabot pa rin ang showing.

Alam naman siguro ito ng Blacksheep Productions at APT Entertainment na producer ng movie nina Carlo at Maine at pinaghandaan na. Hintayin natin kung paano ang promotions ng dalawang pelikula to attract moviegoers.

Napansin lang namin na wala pang nababanggit na co-stars sina Carlo at Maine sa Isa Pa With Feelings, laging silang dalawa lang.

On the other hand, ang Because You Love Me, sa simula pa lang ng shooting ni director Jun Lana nabanggit na ang mga kasama ni Sarah kabilang sina Ara Mina, Yayo Aguila at Gina Pareño. Kamakailan lang, nabanggit na kasama rin sa pelikula si Regine Velasquez.

Ian lilipat ng GMA-7?!

Akala ng mga kababayan na­ting Kapuso viewers sa Canada, lumipat na sa GMA Network si Ian Veneracion dahil siya ang kasama ni Lovi Poe sa Fiesta Filipino 2019 and Food Trip na naka-schedule sa Calgary sa August 31 at Winnipeg sa September  1.

Ang GMA Pinoy TV at GMA Life ang nakasulat na sponsor ng show. Pero sabi ng GMA-7, sponsor lang ang GMA Pinoy at GMA Life at hindi sila ang organizer and the organizer are free to get any actor from the Philippines na isasama kay Lovi. Nagkataong si Ian ang napili.

Ang paliwanag pa, freelancer si Ian, walang exclusive contract sa ABS-CBN, kaya libre siyang tumanggap ng offers at gigs lalo na kung kakanta siya. Ini-enjoy ni Ian ang pagiging singer at performer kahit aminadong late bloomer siya as a singer dahil kailan lang siya nagkakakanta at may concert pa.

So, nalinaw na ang pagsasama nina Ian at Lovi sa show, walang kinalaman ang network and Ian is free to accept offers kahit ang kasama ay Kapuso talent gaya ni Lovi.

Ang hindi pa nasasagot ay bakit bumisita si Ian sa taping ng Dahil sa Pag-ibig at nag-post pa nga sa IG Story si Sanya Lopez, ang lead actress ng Afternoon Prime ng GMA-7, na na-starstruck siya nang makita si Ian sa set nila.

Si director Ricky Davao ba ang dinalaw ni Ian o may iba pa siyang dinalaw sa involved sa teleserye?

Pero nabanggit na ni Ian na may gagawin siyang teleserye sa ABS-CBN at kasama sa Star Cinema movie na Block Z na malapit na ang showing, kaya Kapamilya pa rin siya. Pero, bakit siya nasa taping ng Dahil sa Pag-ibig?

Gabby binibenta ang sasakyang may CR

Ibenebenta ni Gabby Concepcion ang kanyang Roadtrek na sabi niya, “my work horse! She has served me well. Roadtrek Camper with toilet, sink, stove, microwave. Any takers? I am selling it”

Hindi binanggit ni Gabby kung magkano niya ibenebenta at kung saan. May video si Gabby ng loob ng Roadtrek at maganda siya.

Speaking of Gabby, marami pa rin ang nanghinayang na hindi natuloy ang Metro Manila Film Festival entry nila ni Kris Aquino na (K)Ampon. May mga nagtatanong at nagsa-suggest kung pwede nilang ituloy ang pelikuka at ipalabas bago o pagkatapos ng 2019 MMFF sa December.

Wala pang sagot si Kris sa suggestion na ito at tiyak, papayag si Gabby na ituloy nila ang pelikula.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with