^

PSN Showbiz

Janella atJoshua, nawala ang ilangan sa sensuality workshop

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella atJoshua, nawala ang ilangan sa sensuality workshop

Napapanood na tuwing gabi sa Kapamilya network ang teleseryeng The Killer Bride na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Joshua Garcia at Janella Salvador. Ito ang kauna-unahang pagtatambal nina Joshua at Janella kaya kinailangan pa raw na mag-sensuality workshop ng dalawa para sa kanilang karakter.

“Bago ang love team namin. Bago maio-offer naming dalawa so exciting ito. Nailang kami sa mga eksena na physical. May timeline na tinatawag kasi ‘yung nagtuturo sa amin. Pinagharap kami sa first stage ng workshop. Kwentuhan ng mga pangyayari sa buhay. Saka pa ‘yung sensual na mini-mirror namin ang isa’t isa, nagyakap kami doon,” nakangi­ting kwento ni Joshua.

“Basta kailangan lang dapat comfortable kami with touching each other. Kasi that’s what sensua­lity is about. So dapat connected kayo, walang awkwardness, walang ilangan,” dagdag naman ni Janella.

Pagkatapos ng nasabing workshop ay nawala na raw ang ilangan sa pagitan ng bagong tambalan. “Parehas kaming open eh, parehas kaming gustong matuto. So in fairness sa amin di na rin kami nailang sa isa’t isa. Aim namin ni Janella dapat natural ‘yung kuryente between sa characters namin,” pagbabahagi ni Joshua.

Marco, masaya para kina Janella at Markus

Walang kasintahan ngayon si Marco Gumabao. Matatandaang naugnay ang aktor kay Janella Salvador ilang buwan na ang nakalilipas. Iginiit naman ni Marco na talagang magkaibigan lamang sila ng aktres. “We’re friends, Janella and I are friends. Wala ‘yung before, everyone thinks na we’re not good but we’re okay. Off cam, you don’t have to show everyone na we’re friends. Basta alam namin sa isa’t isa na we are good, that’s what’s important. I’m single kaya kung gusto n’yo maging special someone ko, come on,” natatawang pahayag ni Marco.

Ayon sa binata ay naudlot kung ano man ang nasimulan nila ni Janella noon at mas minabuti nilang maging magkaibigan na lamang. “Yeah, you can say that. Medyo pasimula pa lang naudlot na because of all the bashing and all the pictures going around. So we decided not to. We don’t talk to each other regularly. But if I see her, if I bump into her, yeah of course,” pagtatapat ng aktor.

Kamakailan ay napabalitang si Markus Pa­terson na umano ang bagong nagpapatibok sa puso ni Janella. Para kay Marco ay wala namang problema sa kanya kung masaya na ang puso ng dalaga ngayon. “It’s all good. Ako naman if she’s happy with whoever she is with and I’m happy for her, di ba?” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with