^

PSN Showbiz

Ate Guy nagiging sakitin na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy nagiging sakitin na

Dahil sa ‘di na pagkatuloy ng (K)Ampon sa Metro Manila Film Festival, nabuhayan nang loob ang mga nakagawa ng horror films na isa-submit sa finished films.

Ang isa sa umaasa ay ang The Heiress ng Regal na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Bukod sa horror films na ito, puspusan din ang pagtatapos sa ilang pelikula na isa-submit nila sa MMFF bago ang deadline sa September 20.

Napag-alamang dalawang araw na lang ay tapos na ang principal photography ng obra ni direk Joel Lamangan, ang Isa Pang Bahaghari.

Ang isa sa ikinatuwa ng production staff lalo na si direk Joel ay napakagaling pa rin daw talaga ni Nora Aunor. Wala pa rin daw kupas, na kahit mahaba ang dialogue ay kering-keri niyang gawin.

Medyo sakitin lang daw ang original Superstar kaya minsan ay napa-pack up sila. Pero kapag nasa set na raw si Ate Guy, wala raw silang problema sa mga eksenang kinukunan.

Puring-puri rin nila si Michael de Mesa na mara­ming mga mabibigat na eksena, lalo na’t may mga kuha pa siyang naka-mujer. Okay din daw si Phillip Salvador, na napakabait daw sa kanilang mga staff.

May mga kuha raw ang batang Nora na ginampanan ni Maris Racal.

Inayusan ito at nilagyan ng nunal sa mukha, Norang-Nora raw talaga sa ilang eksena.

Bumagay din daw sina Joseph Marco, Sanya Lopez at Zanjoe Marudo bilang magkakapatid.

Inspired nga raw si direk Joel sa proyektong ito na tingin daw nila mas maganda pa ito sa Rainbow’s Sunset kaya sana nga ay ma-consider ito sa Screening Committee ng MMFF.

Bong, Robin at Phillip may nilulutong pelikula

Naintriga kami sa ipinost ni Sen. Bong Revilla nung nakaraang Lunes na kung saan kasama niya sa litrato sina Robin Padilla, Phillip Salvador, at ang kapatid ni Sen. Bong na si Marlon Bautista.

Nasa caption ng post na, “Hindi namin inakalang mahigit 5 oras na pala kaming nagkukuwentuhan. Talagang na-miss naman ang isa’t-isa. Na-miss nyo din ba kami mga kababayan ko? #PelikulangPinoy #100YearsofPhilippineCinema.”

Akala ko mahaba ang pinag-usapan nila dahil never kasing nakadalaw si Robin nung nasa Camp Crame si Sen. Bong kaya na-miss talaga nila ang isa’t isa. Pero mukhang may binubuo silang malaking project na posible nilang pagsamahan.

Wala pang definite na sagot sa akin si Sen. Bong nang kulitin ko. Pero kapag nabuo na nila ito, posibleng sisimulan nila ito agad o maaaring next year na. Kung matutuloy nga ito, sino kaya ang mapalad na leading lady nila?

Maaaring puwede nang bumalik sa showbiz si Sen. Bong dahil ito naman daw talaga ang first love niya.

Sinasabi naman ni Sen. Bong na gusto muna niyang mag-focus sa trabaho niya sa Senado. Pero itong pag-aartista naman kasi ang bread and butter niya, at na-miss na niya raw talaga ang umarte.

Bukod pa diyan, sinasabi rin ni Sen. Bong na gusto naman daw niyang may maiambag siyang pelikula para sa pagdiriwang natin ng 100 Years of Philippine Cinema.

Pelikula ni Tekla nakahanap na ng playdate

Finally, may nakuha na palang playdate ang launching movie ni Super Tekla na Kiko en Lala ng Backyard Films under GMA Films. Inaayos na nila ang promo at hintayin na lang daw ang announcement ng GMA Films kung kailan ito ipalalabas.

Kumpiyansa naman silang kaya na ni Super Tekla na dalhin ang pelikula niya dahil ang dami nang natutuwa sa programa nila ni Boobay na The Boobay and Tekla Show. Consistent itong mataas ang rating at natatalo nga raw ang katapat na Gandang Gabi Vice.

 

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with