^

PSN Showbiz

JK laging naka-bodyguard kay Maureen

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
JK laging naka-bodyguard kay Maureen

Ang Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz ang isa sa maagang dumating sa birthday party ni Mother Lily Monteverde na nagdiwang ng kanyang 80thbirthday na ginanap sa Valencia Events Place nung nakaraang Lunes ng gabi.

Pinadalo kasi ni Dondon ang mga alaga nila sa Reality Entertainment sa Celebrity Premiere ng Mina-Anud na ginanap sa Greenhills Theater.

Pagkatapos ng screening ng naturang pelikula, tumuloy silang lahat sa Valencia para maki-birthday kay Mother Lily na active na active pa rin.

Namataan na nga namin sa Valencia si Maureen kasama si JK Labajo na medyo pumayat na.

Sabi ni JK, hindi raw niya alam na birthday party pala ni Mother Lily ang pupuntahan niya.

“Basta sinama lang nila ako. Free naman ako today, bodyguard lang ako sa kanya,” na si Maureen ang tinutukoy niya.

Hindi lang klaro ang mga sagot ni JK kapag tinatanong siya tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Maureen. Hindi naman inamin ni Maureen kung sila na ba talaga ni JK. Sabi lang niya; “We just wanna keep things private.”

Hindi naman niya itinangging lagi silang magkasama at nagbakasyon pa nga sila sa Boracay.

Excited lang daw ngayon si Maureen sa plano ng Reality ang gagawan na siya ng pelikula.

Hindi pa raw siya nagsimulang mag-acting workshop, pero inaayos na raw.

Tinanong rin namin sa kanya kung okay din ba na si JK na ang partner niya sa gagawin niyang pelikula.

“Why not? He’s a great actor,” pakli niya.

Ang dinig nga namin, kaya nagpapayat talaga si JK para puwede siyang mag-partner kay Maureen.

“Depende naman sa management,” safe lang na sagot ni JK.

Mother Lily, YouTube channel ang gustong birthday gift

Bongga naman ang gusto ni Mother Lily nang hiningan siya ng birthday wish.

Gusto raw niyang magkaroon ng sarili niyang YouTube channel. Type niyang nasubaybayan ng mga netizens ang lahat na activities niya.

Gusto raw niyang mag-focus na rin sa pamilya at sa patuloy na pagpu-produce ng Regal.

Happy nga siya sa magandang feedback sa Mina-Anud na magsu-showing na ngayong araw.

“Basta, ayaw ko nang ma-stress, because I’m rich,” classic line ni Mother kapag ini-interview namin siya.

Natutuwa siya na pursigido ang anak niyang si Dondon Monteverde na isapelikula ang kuwento ng buhay niya.

Willing daw siyang i-open lahat at malaman ng publiko ang lahat na mga pinagdaanan niya mula pa nung bata pa siya hanggang sa kasalukuyan. Pati nga raw ang lovelife niya okay na okay din daw sa kanya.

Narinig nga raw niyang si Judy Ann Santos ang gaganap bilang Mother Lily nung heydays daw ng Regal at happy naman daw siyang tinanggap na ni Judy Ann ang malaking proyektong ito.

Sabi naman ni direk Erik Matti, nagri-research pa lang daw sila ngayon para makakalap pa ng mga kuwento tungkol kay Mother Lily. Ang tantiya raw nila sa January pa sila magsisimulang mag-shoot dahil may isa pa silang aktres na kinakausap para gumanap na kasalukuyang Mother Lily.

Napangiti lang siya nang tinanong namin kung si Cong. Vilma Santos ba ito.

Wala raw silang target na playdate dahil gusto nila mabuo at mapulido ang pelikulang ito na ambag na rin ng Reality Entertainment at ni Mother Lily na rin sa ipinagdiriwang nating 100 Years of Philippine Cinema.

Arnell planong baklain ang bagong show

Bukas, August 22 magsisimula na ang bagong magazine show ni Arnelli Ignacio sa IBC 13 ang Arnelli in the Haus na mapapanood ng 8:30 nang gabi, at may live streaming sa Facebook Page ng IBC 13.

May replay din daw ito tuwing Sabado ng alas-otso nang gabi. Ang layon ng programang ito ay ilahad ang iba’t ibang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para tugunan ang mga problema ng mga kababayan natin.

Bilang consultant siya ng OWWA, at dating Deputy Administrator, alam na ni Arnell ang mga problema ng mga OFW natin at kung paano ito lutasin. Ang focus daw ay kung paano harapin ang problema, hindi yung basta na lang kaawaan sila sa inilalahad na kuwento.

May ilang programa raw kasing mas nag-focus sa nakakaawang kalagayan ng ating mga OFW.

“Wala naman magagawa yung awa eh. Ang dapat ay tulungan.

“Alam ko naman kung paano gawan ng paraan, dahil nakita ko na yan eh. Alam ko na kung paano  harapin ang problema. Hindi yung kaawaan na lang at ibenta yung masaklap na naranasan nila sa ibang bansa,” pahayag ni Arnell.

Napapanood nga raw niya ang Tadhana ng GMA 7 na madalas ay ipinapakita ang malungkot  na kuwento ng mga OFW.  “Madami tayong magagandang kuwento roon sa ibang bansa. Bakit hindi rin yun ang ipakita natin? Bakit yung laging malungkot lang, at kung paano natulungan sila run,” saad pa niya.

“Tinext ko nga si Dingdong (Dantes) eh. Sinabi ko may dapat baguhin sila diyan sa Tadhana. Ayun! May nabago naman,” dagdag pa niyang pahayag.

Dito sa Arnelli in the Haus ay may segment din sila, yung Like Mo Siya na kung saan magbibigay pugay sa mga natatanging empleyado at kagawaran ng gobyerno.

Ang iba pang segment ay Imbyerdegador, na kung saan pag-uusapan nila at lulutasin ang mga problema at misunderstandings sa gobyerno.

Meron ding Step Brother na magbibigay ng guide kung paano ang mga proseso sa mga ahensya ng gobyerno. Meron ding Pa-Promo na nag-feature ng mga government services, ang Happy 2 Serb na tumatalakay sa mga success stories ng government programs at Mamser na kung saan doon magbibigay ng opinyon at editorial si Arnelli.

Light lang daw ang atake at kayang baklain ito ni Arnell para hindi mabigat panoorin kapag involved na ang gobyerno.

vuukle comment

MAUREEN WROBLEWITZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with