^

PSN Showbiz

Coco parang kadugo na ang turing kay FPJ

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Coco parang kadugo na ang turing kay FPJ

Hindi man kamag-anak ni Da King Fernando Poe, Jr. si Coco Martin, isa to sa unang nagbigay pugay sa ika-80th kaarawan ng kinilalang Hari ng Pelikulang Pilipino. Pumunta ito ng North Cemetery at nag-alay ng dasal at bulaklak sa puntod ng kanyang iniidolong aktor.

Ang pelikula ni FPJ na Ang Probinsyano na ginawang serye sa TV  ng ABS-CBN ang isa sa pinakamahabang serye na napapanood sa TV at patuloy pa ring humahataw sa kanyang ika-apat na taon.

Sinabi ni Coco na handa siyang muling gumanap sa isa pang FPJ project sakali mang mapagpasyahan ng Kapamilya Network na sundan ang  Ang Probinsyano na kung saan ay ‘di lamang siya artista kundi tumatayo ring direktor at bahagi ng creative team.

Liza gusto na ring maging doktor?!

Balak bumalik ng kanyang pag-aaral si Liza Soberano. Kursong psychology ang balak niyang i-pursue na kapag natapos niya ay maaari niyang gawing premed course tungo sa pagdodoktor na tulad ng ginagawa ngayon ni Jodi Sta. Maria na pinatutunayan na maaring pagsabayin ng isang artista ang kanyang pag-aaral at pag-aartista.

Tamang pag-aayos lamang ng schedule ng mga gawain nila at magagawa nilang makatapos ng isang kurso, kahit pa kumakain ng panahon na kurso ang medisina.

Maja at Janella may kumpetisyon

Hindi lamang naman si Maja Salvador ang nabibiyayaan ng malaki ng The Killer Bride kundi maging si Janella Salvador din. Sa katawan nito sumasapi ang kaluluwa ng namatay na karakter ni Maja kapag nagsimula na ang paghihiganti nito sa mga pumatay sa kanya. Halos pantay ang exposure nina Maja at Janella sa serye o baka mas lamang pa ang nakakabatang aktres dahil buhay ang karakter niya at kaluluwa na lamang si Maja.

Maaring ituring ni Janella na biggest break niya ang TKB. Kasabay nito ang full time na pagbabalik niya sa kanyang pag-aartista matapos ang mahaba-haba ring absence after ng hiwalayan nila ni Elmo Magalona. Kasabay ng TKB ay may ginagawa siya na horror movie sa Regal Entertainment, ang The Heiress, na kung saan ay makikipagsabayan siya sa pag-arte kina Maricel Soriano, Sunshine Cruz, McCoy de Leon, sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at direksyon ni Frasco Mortiz.

Kris gusto nang makabalik sa TV

Kung hindi magi­ging maganda ang lagay ng comeback ni Kris Aquino sa TV man o pelikula ay baka sa GMA ito humanap ng trabaho. Excited na si Kris na bumalik sa medium na pinagreynahan niya pero parang nahihirapan siya kaya may mga hinihi­ngan siya ng tulong para maka-penetrate siya sa Kapuso Network. Pinalalakas din ang loob niya nina Derek Ramsay at Gabby Concepcion, mga aktor na makakapareha sana niya sa kanyang comeback movie na parehong Kapuso artist.

Andrea papabuntis kay Derek

Sa kilos, pananalita at ugali ay ibang-iba ang pagganap ni Andrea Torres sa kaniyang dalawang karakter bilang sina Juliet at Jasmine sa primetime series ng GMA na The Better Woman. Mas nagiging intense na kasi ang mga eksena niya, lalo na ngayong may magbubuntis sa magkapatid courtesy of Derek Ramsay bilang Andrew.

May tinatago silang sikreto ni Juliet at praning na praning na si Andrew tungkol dito! Kaya naman, panay ang iwas niya sa kakambal ng asawa. Magtagumpay kaya siya na tuluyang sirain ang relasyon ng mag-asawa? Abangan ‘yan gabi-gabi sa bago nitong oras na 9:30 PM pagkatapos ng Love You Two.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with