^

PSN Showbiz

Mga naging ex ni generous female personality nagpasasa sa mga branded na kagamitan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Galing man ang pagbibigay sa kanyang puso o hindi ay mahihirapang kabugin ng kahit sinong artista ang pagiging henerosa ng isang sikat na female personality.

Maluwag talaga sa pagpapalabas ng mga biyaya ang palad ng sikat na babaeng personalidad, hindi siya nanghihinayang kung magkano man ang ginastos niya sa mga branded stuff na ipinamimigay niya, pati ang kanyang mga muwebles sa kanyang bahay kapag lumilipat siya ay ipinamimigay niya sa mga taong malapit sa kanyang puso.

Kahit sa kanyang mga nakarelasyon ay ganu’n din siyang magregalo, kapag nanggagaling siya sa iba-ibang bansa ay panalung-panalo ang kasalukuyan niyang boyfriend, dahil puwede na itong magtayo ng shop sa dami ng kanyang mga pasalubong.

Kuwento ng aming source, “Naalala n’yo ‘yung nakarelasyon niyang actor-TV host? Sandali lang ang naging relasyon nila, sumuko agad ‘yung lalaki, pero male-maleta kung pasalubungan siya ng mga branded stuff ng female personality.

“’Yung mga branded polo na kayang-kaya rin namang bilhin nu’ng actor-TV host dahil mayaman siya, e, talagang kina-career ng girl, iba-ibang branded na polo ang ipinangpapasalubong niya du’n sa panandalian lang niyang naging karelasyon!

“Magbihis man siya nang araw-araw sa loob nang ilang months, e, sobra-sobra pa rin ang mga pasalubong sa kanya ng girl!” napapailing na kuwento ng una naming source.

Ganu’n din ang ginawa niyang pang-i-spoil sa isang male celebrity na matagal niyang kinahibangan pero hindi niya naging karelasyon dahil bantay-sarado ng kanyang girlfriend ang lalaki.

Sabi ng aming impormante, “Nasi-shock ang guy, kasi, lahat ng mga branded na gadgets na kailangan niya sa trabaho niya, e, binibili ng girl! Kaso, nabubuking naman ‘yun ng girlfriend niya, kaya ayaw ipagamit sa kanya!

“Naunsiyami siya sa isang ‘yun! Hindi niya nakuha ang gusto niya, todo kasi ang pag-iwas sa kanya nu’ng player!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Nilalahat na ng aming source ang kanyang mga nakarelasyon, talagang nakinabang nang husto ang mga ito sa henerosang female personality, dahil kaligayahan na niyang i-pamper ang kanyang mahal.

Pagtatapos ng aming impormante, “’Yun nga lang, wala siyang nagtatagal na karelasyon. Inuuna kasi niya ang material things, hindi ang pagpapalalim muna sa relasyon nila.

“Like ngayon, wala siyang boyfriend, malungkot ang puso niya, para kasing iwas na iwas sa kanya ang mga kalalakihan dahil sa mga nangyayari nu’n sa mga ex niyang napahiya in public,” napapailing na sabi ng aming source.

Phillip may sakit na dementia?!

Masama ang loob kay Phillip Salvador ng mga tagasuporta ni Senador Bong Revilla. Ang mga taong ito ang nakakaalam kung gaano kalalim ang pinagsamahan nila ni Senador Bong, isama na rin natin sina dating Senador Jinggoy Estrada at ang namayapang si Rudy Fernandez, magkakaibigang karnal silang apat.

Ang sama ng loob ay nag-ugat sa hindi man lang pagsilip ni Phillip kay Senador Bong sa opisina nito sa Senado. Nasa ikalawang palapag ng gusali si Senador Bong, nasa itaas naman ang bagong halal na si Senador Bong Go, pero ni hindi pinupuntahan ng action star ang kanyang kaibigan.

Sabi ng isang malapit kay Senador Bong Revilla, “Huwag na nating isali ang mga naitulong sa kanya financially ni Senador Bong, ‘yung pagpapahalaga na lang sa pagkakaibigan nila, mahirap bang silipin man lang ang kaibigan niya kapag nasa Senado siya dahil na kay Senator Bong Go siya?

“Si Phillip Salvador, napakadaling makalimot. May mga tao palang ganu’n? Nakakita lang ng bagong kaibigang kakapitan niya, balewala na sa kanya ang mga dating kaibigan niya?” sentimyento ng aming kausap.

Kami na ang sasagot sa tanong. Totoo, may mga taong ganu’n, may mga taong madaling mambalewala ng mga taong nakatulong sa kanya kapag nakakita na ng mga bagong kaibigang masasandalan niya.

Hindi lang matatanda ang nagkakaroon ng dementia, kahit ang mga taong malayu-layo pa ang pagbiyahe sa pagiging matandang-hukluban ay inaapuntahan na rin ng pagiging malilimutin, may mga tao talagang hindi nagbibigay ng halaga sa pinagsamahan.

Katulad ni Phillip Salvador.

vuukle comment

PHILLIP SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with