^

PSN Showbiz

Singer na talented hindi na inuuwian ang pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Madalas na pinagpipistahan sa mundo ng musika ang isang young talented female singer na pinoproblema ngayon ng kanyang pamilya. Kung galing sa pagkanta at ganda ng boses ang pag-uusapan ay maraming pinakakain ng alikabok ang female singer na ito.

?Ang galing-galing kasi niyang kumanta, makinis at malinis ang kanyang boses, abot na abot niya ang pinakamataas na tono nang walang kahirap-hirap.

?Kapag kaduweto niya ang isang kilalang biri­tera, kapansin-pansin na hindi nagbabago ang kanyang itsura sa pag-abot ng mga high notes, hindi nagkakangiwi-ngiwi ang kanyang mukha.

?Masarap siyang panoorin, papalakpakan mo talaga ang kanyang mga arya, nakakaawa ang kahit sinong kaduweto niya na hindi nakahanda sa laban.

?Sa totoong buhay ay pinoproblema pala siya ng kanyang pamilya, matagal na panahon na pala siyang walang komunikasyon sa kanyang mga magulang, nagpadala raw sa kaway ng pag-ibig ang magaling na female singer.

?Kuwento ng isang source na may malalim na alam tungkol sa kuwento, “Hindi naman siya pinipigilan ng pamilya niya na makipagrelasyon. Pero ang gusto lang sana ng parents niya, e, makilala ang lalaking karelasyon niya.

?“Walang kumokontra sa kanya, dapat lang namang inspired siya, kasi nga, hindi naman simple ang trabaho niya. Puhunan niya, e, boses. Hindi simple ‘yun!” unang komento ng aming impormante.

?Pero ilang buwan na pala siyang hindi umuuwi sa kanilang bahay, kumuha ng sarili niyang tirahan ang young talented female singer, para malaya silang nakapagkikita ng kanyang boyfriend.

?Patuloy ng aming source, “No, hindi sila nagli-live-in ng guy, nagpupunta lang sa condo unit niya ang BF niya, pero may kasama namang kamag-anak ang girl sa tinitirhan niya.

?“In fairness, very responsible ang girl, alam niya ang tama at mali, alam niya ang sobra sa kulang, marunong siyang mag-balance ng buhay niya.

?“Kung gaano siya kahusay kumanta, ganu’n din siya kagaling magpatakbo ng personal life niya. Baka naman nanghihingi lang siya ng space. Napapagod din naman kasi ang mga katulad niya na all her life, kanta na lang siya nang kanta.

?“Pero one day, magiging maayos din ang relasyon nila ng parents niya, kayang-kaya niyang dalhin ang mga paghamon sa buhay niya. And I mean, hamon. Mark that word, hamon,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Ellen walang planong maghabol

Lumutang ang isyu tungkol sa sustento sa kontro­bersiyal na paghihiwalay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Bukod diumano sa Temporary Protection Order (TPO) na hiniling ng sexy actress sa husgado ay humingi rin siya ng regular na sustento para sa kanilang anak na si Elias.

?Kabahagi ‘yun ng pinaiiral na batas para sa ina at sa kanyang anak, ang R.A. 9262, bilang sustentuhan ng ama ang bata sa kanilang paghihiwalay.

?Pero agarang kinontra ‘yun ng mga impormanteng nakakakilala kay Ellen Adarna at sa kanyang bilyonar­yong pamilya, hindi raw gagawin ‘yun ng aktres, kayang-kaya raw niyang buhayin ang anak nila ni Lloydie.

?Tumawag ang aming source mula sa Cebu City kung saan naninirahan ang pamilya ni Ellen Adarna, ang kanyang sabi, “Imposible ‘yun! Hindi gagawin ni Ellen ‘yun! Kayang-kaya niyang palakihin ang anak nila ni John Lloyd nang mag-isa lang!

?“Spoiled si Ellen sa family niya, ‘yung Temple Of Lea, one of the biggest attractions sa Cebu, sa kanila ‘yun! Ganu’n katindi ang yaman ng family ni Ellen.

?“Sila rin ang may-ari ng hundreds of Queensland Hotels sa Visayas at Min­danao. Sa araw-araw na lang na kinikita ng ilang branches ng hotels nila, e, sobra-sobra pang panggastos ni Ellen at ng anak nila ni John Lloyd!

?“At napakataas ng pride ng babaeng ‘yun! Hindi siya magpapakababa sa usapin ng pera, ng sustento, hindi niya oobligahin si Lloydie tungkol sa sustento!” madiing komento pa ng aming source na nakakakilala sa pamilya ni Ellen Adarna.

?Pero responsableng tao ang magaling na aktor. Humingi man ng sustento o hindi si Ellen para sa kanilang anak ay siguradong alam ni John Lloyd Cruz ang kanyang obligasyon para kay Ellen.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with