^

PSN Showbiz

‘Batas para sa LGBTQ, marami pang hindi nakakaalam!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bigyan pa natin ng ganap na panahon ang lahat para tanggapin na puwedeng gamitin ng transwomen ang comfort room para sa mga kababaihan dahil hindi pa nga siguro alam ng mga janitress, maintenance crew o ibang tao na may batas nang ipinatutupad.

Hindi pa tanggap ng iba ang paggamit ng transwo­men sa restroom na itinakda para sa mga kababaihan kaya dapat magkaroon ng seminar tungkol sa ordinansa ang mga janitor/janitress at maintenance crew.

Mabuting magkaroon ng massive information drive para hindi na maulit ang nangyari sa transwoman na si Gret­chen Diez at sa janitress na si Chayra Ganal.

Both parties should understand their rights para hindi lumaki ang gulo. Dapat na polite rin ang maging approach para hindi humantong sa away ang usapan.

Marami ang nakisimpatiya kay Gretchen na naka-experience na posasan nang dalhin sa presinto dahil sa unjust vexation complaint ng management ng Farmers Plaza Mall.

Iniatras na ng mall management ang reklamo nila laban kay Diez pero dumistansya rin sila sa janitress na hindi raw nila empleyado dahil naka-kontrata sa isang ahensya.

In fairness, sa kabila ng pagtataray ng janitress na nakunan ng video, may mga nakikisimpatiya rin sa kanya. Marami ang naawa kay Ganal dahil ang feeling nila, hindi sinusuportahan ng mall management ang janitress dahil contractual employee ito ng ibang ahensya.

Wish ko lang, magkapatawaran na ang magkabilang-panig at huwag nang sampahan ng kaso si Ganal na kahit nagpakita ng tapang at kamalditahan, malamang na nawindang dahil hindi niya inaasahan na magiging national issue ang kanyang pagbabawal kay Diez na gamitin ang toilet para sa girls.

Dahil sa malaking bahay, Joshua madalas nang nakakasama ang nanay

Cute ang pag-amin ni Joshua Garcia na hindi pa sanay sa malaking bahay ang pamilya niya. Alam ng lahat na medyo mahirap ang buhay ni Joshua bago ito nagtagumpay sa pag-aartista.

Public knowledge rin na nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, napunta siya sa tatay niya.

Malaking bagay na sa lahat ng naganap sa buhay ni Joshua, ang kanyang father ang kasama niya.

Pero ngayon daw, madalas na dumadalaw ang nanay ni Joshua sa kanilang bagong bahay. Pinagpala talaga si Joshua dahil sa kabila ng mahirap ang buhay at hiwalay ang kanyang mga magulang, tagumpay pa rin ang showbiz career niya. Ito ang sinasabi na may mga tao na masuwerte at kabilang dito si Joshua.

Jillian hinihintay lumaki

Halata na raw na malabo ang paningin ni Jillian Ward, lalo na kapag hindi niya suot ang eyeglasses dahil naniningkit ang mga kanyang mata sa tuwing may tinitingnan siya.

Eh hindi nga naman puwede na palaging may salamin na gamit si Jillian sa mga eksena niya sa mga teleserye.

Balitang natuto na si Jillian na gumamit ng contact lens kaya hindi na siya nahihirapan sa taping ng Prima Donnas, ang afternoon drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan niya at mapapanood simula sa darating na Lunes, August 19.

Lumaki na maganda si Jillian lalo na pag ang nag-make up sa kanya ay si Bambbi Fuentes. At impressive ang singing voice niya nang minsang marinig ko siyang kumanta.

Marami ang nagsasabi na ilang taon mula ngayon, isa na siya sa mga sikat na aktres ng Kapuso Network dahil sa kanyang beauty at talent.

vuukle comment

GRET­CHEN DIEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with