^

PSN Showbiz

Kris niregaluhan agad si Gabby

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris niregaluhan agad si Gabby
Kris Aquino

Noong Martes ang first shooting day nina Gabby Concepcion at Kris Aquino para sa (K)Ampon, ang horror movie ng Quantum Films na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival 2019.

Medyo maluwag na ang schedule ni Gabby dahil malapit nang matapos ang taping ng Love You Two kaya puwede na siyang mag-concentrate sa shooting ng (K)Ampon. Ang Love You Two ang primetime teleserye nina Gabby at Jennylyn Mercado sa GMA 7 na malapit nang matapos sa susunod na buwan.

As usual, umiral ang pagiging generous ni Kris sa unang araw ng shooting nila ni Gabby dahil give agad siya ng water container at ibang goodies kaya tuwang-tuwa ang kanyang original crush sa showbiz.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata tungkol sa shooting ng (K)Ampon dahil knowing Kris, sure ako na may mga pasabog siya na ikaiingay ng pelikula na ginagawa nila ni Gabby.

‘Back to Koreanovela  at fangirling…’

Nagbalik na naman ang pagiging addict ko sa Koreanovela Salve na medyo nabawasan noong parang nagkasakit ako dahil sa kapupuyat. Nagsawa rin ako sa kimchi at samgyupsal.

Now, craving uli ako dahil paggising ko, hawak ko agad ang iPad ko para panoorin ang mga pina-download ko na Koreanovela.

Talagang kapag matanda ka na, erratic na ang fangirling ko. Forever Jo In-sung pa rin ako pero tuwing nagwa-watch ako ng bagong Koreanovela, nagkakaroon din ako ng mga bagong idol.

Nadagdag sa listahan sina Nam Jo-Hyuk, Lee Jun Ho, Jin Young at now, type ko na ang mga artista ng Bodyguard at Something in the Rain dahil natapos ko na ang panonood ng One Spring Night.

Mas type ko na ang One Spring Night kesa Something in the Rain pero hindi ko pa rin matandaan ang pangalan ni Bodyguard. Ang pangalan lang ni Si Jong Hae-in ang na-memorize ko. Hay naku, maaabala na naman ang schedules ko dahil sa panonood ng mga Koreanovela kaya baka tanggapin ko ang alok na Korean holiday.

Garbage  collectors  kahanga-hanga!

Alam mo Salve, isang part ng service ng gobyerno na talagang hanga ako ay doon sa mga kumukuha ng basura. Hindi ko alam how it works, kung paano ang assigning dahil meron mga complaint na hindi kinukuha iyon mga basura sa ibang lugar.

Hindi ko rin alam how they can hire iyong mga basurero pero talagang hanga ako sa kanila. Gusto ko nga ipaabot ang thank you sa Quezon City government, mula pa noon hanggang ngayon sa napaka-organized na garbage collection sa subdivision namin sa North Fairview. Kahit holiday, kahit katatapos lang ng anumang special na araw tulad ng Pasko o Holy Week, nakukuha ang basura sa lugar namin. At iyon mga garbage collector, makikita mo doing their jobs happily na parang ordinaryong trabaho ang ginagawa.

Kung minsan, ako pa ang nalulungkot para sa kanila, iyun bang katatapos lang ng Pasko pero heto sila, kumukuha pa rin ng basura, samantalang tayo ini-enjoy pa ang simoy ng Pasko.

I salute you, patunay lang na kahit anong trabaho, basta marangal gagawin mo, kung gusto mong mabuhay ng maayos. Salute. 

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with