^

PSN Showbiz

Alfred pa-NY para mag-shooting

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alfred pa-NY para mag-shooting
Alfred Vargas

Masuwerteng nakabalik ng bansa sina Cong. Alfred Vargas at ang grupo nito mula Hong Kong na kung saan nag-shoot sila roon para sa pelikula nilang MNL/HK/NY.

Bago kasi na-cancel ang mga flight paalis ng Hong Kong nung nakaraang Lunes, nakalipad na sila pabalik ng Maynila.

Pero may isa pa pala silang kasama, ang stage actress na anak ni Ayen at Franco Laurel na si Mariella Laurel na naiwan.

Kasama siya sa napakaraming pasaherong stranded sa HK airport. Pero ginawan naman ng production ng paraan na makabalik siya ng Maynila.

Dadaan na sana siya ng Macau pabalik ng Maynila, pero na-open daw ang flight ng Cathay Pacific kahapon ng tanghali, kaya siya nakabalik ng bansa.

Mabuti at nakunan naman daw ang mga kailangang eksena kaya hindi na nilang kailangang bumalik pa roon.

Next week ay tutulak naman sina Alfred pa-New York para ituloy ang shooting ng naturang pelikula.

Inaasahang hindi naman sila magkaproblema roon.

Kasama na pala nila si Iza Calzado sa mga eksena  sa New York.

Aiko ayaw makipag-areglo sa nambintang na  sangkot siya sa droga

Sa mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Prima Donnas, muling napag-usapan ang kasong isinampa ni Aiko Melendez laban sa dating Vice Governor ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Nabanggit niyang isa sa mga araw na ito ay ibababa na raw ng Fiscal ang desisyon kung may probable cause ba ang kasong Libel na isinampa niya laban sa dating Vice Governor ng Zambales.

Sana umakyat daw ito sa korte dahil dapat naman daw panagutan nito ang lahat ng paninira laban sa kanya.

Hindi nga raw siya nakipag-areglo nang pinagharap sila ng piskalya sa Mediation dahil hindi raw niya matanggap na pagbintangang na-involve siya sa droga.Isa raw siya sa supporters sa Anti-drug campaign ng ating Pangulong Duterte, tapos gagawan daw siya ng isyung sangkot sa droga? Kaya dapat na mapanagutan daw itong ginawa sa kanya.

“Somebody has to learn a lesson,” pakli ni Aiko sa nakaraang mediacon ng Prima Donnas.

“It’s not always na you’re a goody-goody, dapat kapag may ginawa ka alam mo kung…sinasabi nga nila, tapos na yung eleksyon nanalo na kayo patawarin nyo na.

“Oo, pero yung pagdudungis mo sa pangalan ng isang tao kailangan  ayusin mo din. Linisin mo yung ginawa mo sa akin.

“Kasi, hindi naman ako parte ng eleksyon eh. Campaigner lang naman ako, pero yung iniwan mo sa aking dagok, yung sleepless nights, yung death threats na nakuha ko eh malay mo one of these days baka pag-akusahan ka na kasabwat ka sa isang drugs is a very  sensitive issue which is… I’m very…anti-drugs ako tapos pagbibintangan mo ako niyan?

“Serious allegation yan, kaya somebody has to pay for it. Kaya, I’ll see you in court!” dagag niyang pahayag.

Samantala, excited si Aiko dito sa Prima Donnas dahil nakapagtrabaho siya uli sa GMA 7.

Kontrabida siya rito, pero ibang-iba raw sa pagkakontrabida sa pinasikat niyang karakter ni Emilia sa pinanggalingan niyang teleserye.

Pinag-usapan na raw nila ni direk Gina Alajar na maiba ang pagkakontrabida ni Kendra rito sa Prima Donnas, para tuluyan nang makalimutan ang dating karakter niyang si Emilia.

Magsisimula na ito sa Lunes, August 19 pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Magiging kontrabida siya rito ng tatlong batang bidang sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with