^

PSN Showbiz

Isa pang K-Pop group may concert para sa mga Pinoy

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Isa pang K-Pop group may concert para sa mga Pinoy
VAV (Very Awesome Voice)

Magpe-perform ng live ang isa sa mga nangu­ngunang all-boy group sa Korea, ang VAV, sa kanilang kauna-unahang first full-length concert sa Manila sa VAV: 2019 Meet & Live In Manila ngayong darating na Septyembre 7 (7:00 p.m.) sa Skydome, SM North EDSA.

Ang VAV (Very Awesome Voice) ay nagsimula nuong Oktubre 2015 sa ilalim ng A-Team Entertainment pero agad silang minahal ng K-pop fans hindi lang sa bansa sa pamamagitan ng kanilang sexy at eleganteng imahe na sinamahan pa ng kanilang electrifying na talento at napatunayan nila ‘yun sa Best Performance award na nakuha nila sa 7th Thailand Daradaily Awards nuong 2018. 

Ang single ng VAV na Senorita na kanilang nilabas noong 2018 ay isang Latin infused K-pop dance single at ang opisyal na music video nito ay mayroon nang 26 million views sa YouTube habang ang opisyal na music video ng kanilang recent 2019 single na  Thrilla Killa ay mayroong 23 million views sa YouTube.

Ang latest single ng VAV na Give Me More ay pini-feature si De La Ghetto at ang Grammy award-winning producers na sina Play-N-Skillz. Ang opisyal na music video ng Give Me More na mayroon na ngayong 10 million views sa YouTube ay kinunan dito sa Pilipinas sa napakagandang probinsiya ng Bohol.   

Mabibili ang mga tiket sa VAV 2019 Meet & Live In Manila sa lahat ng SM ticket outlets at online din sa www.smtickets.com at www.ticket2me.net. Ang VIP ticketholders ay maaaring mamili sa isang Q&A session sa VAV o photo op o fan sign sa araw mismo ng live show.

Sa ilalim ng direksyon ni Homer Espiritu, ang VAV 2019 Meet & Live In Manila ay isang joint-production ng Istudyo Ni Pipay at A-Team Entertainment kasama ang suporta ng arTEAsta.

Talagang non-stop ang pagdating ng K-pop artists sa bansa. Sila na talaga ang matinding kakumpetensiya ng mga local stars natin.

vuukle comment

VAV (VERY AWESOME VOICE)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with