^

PSN Showbiz

Matteo at Jennylyn hindi sumuporta sa pelikula nila ni Dennis?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Jennylyn hindi sumuporta  sa pelikula nila ni Dennis?!
Matteo Guidicelli at Dennis Trillo

Hindi nakasama si Jennylyn Mercado sa world premiere ng pelikulang Mina-Anud nung nakaraang Sabado nang gabi na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.

Ito bale ang closing film ng Cinemalaya 2019 na nagtapos na kagabi.

Sabi ni Dennis Trillo na bida sa pelikulang ito, may trabaho lang daw si Jennylyn, kaya hindi siya nakasama.

Pero nangako naman ang Kapuso Ultimate Star na sasama siya sa isa pang premiere night nito bago ang regular showing sa August 21.

Nandiyan naman daw ang suportahan nila sa isa’t isa, lalo na ngayong binubuo na nila ang concert nilang Co-Love Live na pang-Valentine concert nila sa susunod na taon.

Ngayon pa lang ay binubuo na nila ang repertoire na ang iba ay hindi pa raw napanood sa kanilang YouTube channel.

“Marami silang mga sorpresang mapanood, hindi lang puro kantahan, siyempre.

“Ang gusto namin isang entertaining na show lalo na Valentine’s day siya ipalabas. Kaya, pinag-iisipan pa namin nang mabuti kung ano yung mangyayari,” pakli ni Dennis bago nagsimula ang screening ng Mina-Anud sa CCP nung nakaraang Linggo.

Tinanong namin kay Dennis kung isa kaya sa surprise doon ay ang proposal niya kay Jennylyn.

Expected naman naming itatanggi iyun ni Dennis dahil surprise nga para kay Jennylyn.

Pero kung sakaling mag-propose man daw siya, hindi niya gagawin iyun sa concert nilang dalawa.

“Medyo ano yun…very cliché at saka parang i-expect nila.

“Pero iba ang style ko, hindi ganun. Hindi sa concert venue,” sagot ni Dennis na agree naman kami dahil hindi ganun ang tipo niya.

Tiyak na magugulat na lang daw tayo engaged na pala sila.

Nagpasalamat si Dennis sa lahat na ipinakitang suporta sa Mina-Anud.

Natutuwa siya dahil nakikita na raw na gusto ng mga tao ang naturang peikula.

Ganun daw kasi talaga ang feeling kapag sa Cinemalaya ito ipinapalabas.

“Iba ang pakiramdam eh kasi ang mga manonood, lahat sila excited. Habang pinapanood mo yung movie naririnig mo yung reaksyon ng mga tao. So, bilang artista at entertainer, parang reward yun para sa amin,” saad ni Dennis.

Dumalo rin doon sa screening ang ilan pang artistang tampok sa Mina-Anud gaya nina Jerald Napoles, Lou Veloso, Mara Lopez, Anthony Falcon at marami pa.

Wala si Matteo Guidicelli na kakaiba ang role na ginampanan niya sa pelikulang ito.

Siya nga ang pinaka-yummy sa pelikulang ito, kaya lang wala pa kaming nakikitang suporta mula kay Matteo. Bakit kaya?

Ewan ko lang kung dadalo siya sa isa pang premiere night bago ang showing sa commercial theaters. 

Congratulations kay direk Kerwin Go na first time magdirek ng isang full length film, lalong-lalo na sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na nagtiwala kay direk Kerwin.

Doon pa lang sa CCP ay ramdam na naming gustung-gusto ni Mother Lily ang pelikula at proud siya sa Mina-Anud.

Starstruck finalist isinantabi ang pangarap na maging abogado

Pagkatapos ng Last Chance Challenge na hinarap nang nasa bottom na sina Ella Cristofani at Jeremy Sabido laban sa nakakuha ng lowest scores na sina Radson Flores at Lexi Gonzales, tuluyan nang nagpalaam sina Radson at Ella.

Bago nagsimula ang taping ng Starstruck nung nakaraang Biyernes nang gabi, nakausap namin si Radson at ramdam na raw niyang siya ang magpaalam.

Ibinigay na niya ang chance sa kalaban niyang si Jeremy nang magsalita sila sa kanilang final plea.

Sabi ni Radson, mas nakikita raw niyang deserve ni Jeremy ang isang slot kaya siya na tuloy ang nagpaalam.

Gusto naman ni Radson ang mag-artista, pero gusto niya talagang makapagtapos ng Law.

Graduate na siya ng kursong Legal Management sa UST, at nagpahinga raw muna siya ng isang taon bilang paghahanda niya sa Law School. Pero biglang sinuwerte naman siyang nakapasok sa Starstruck kaya gusto rin niyang ipagpatuloy ang pag-aartista.

Itong one year na pamamahinga niya sa school ay sa showbiz siya napunta. Pero nandiyan pa rin ang gusto niyang makapagtapos ng Law dahil gusto niya talaga maging lawyer.

“Hindi ko naman po masasabing i-set aside ko muna ang paglu-Law. Siguro po, i-enjoy ko po muna ‘to kasi gusto ko naman talaga ang mag-artista.

“Pero, gusto ko po talaga maging lawyer eh,” sabi ni Radson.

Ngayong walo pa rin ang mga finalists sa StarStruck, mas marami pang mahihirap na Artista test silang mapagdaanan para makita kung sino talaga ang maiiwan hanggang sa Final Four.

vuukle comment

DENNIE TRILLO

JENNYLYN MERCADO

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with