^

PSN Showbiz

Marian waging Padede Mom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marian waging Padede Mom
Ma­rian Rivera

Very proud si Dingdong Dantes sa asawang si Ma­rian Rivera sa Padede Mom Award na binigay sa asawa sa Hakab 2019 na ginawa sa Baliwag Star Arena sa Baliuag, Bulacan. Sinamahan pa ni Dingdong si Marian at kwento ni Nelson Canlas, nasa background lang si Dingdong at kumuha ng litrato ng asawa.

Pinost ni Dingdong ang litrato ni Marian habang hawak ang award at ang sabi, “Higit pa sa anumang Best Actress award ang hawak niya at ‘yan ang isang pagkilala sa inspirasyon na ibinibigay niya sa breastfeeding community. Sa lahat ng mga roles na nagampanan niya, paborito niya yung sa totoong buhay—ang pagiging isang Padede Mom!

“I am so proud of you @marianrivera! Isang malupit na commitment yang ginagawa mo, at support kami sa iyo hangga’t  kaya mo.”

Speaking of Dingdong, nag-courtesy call sila ni Rocco Nacino kina Defense Secretary Delfin N. Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, Jr. Nakasama rin sa pagharap nila ni Rocco sina Brig. Gen. Edgar Arevalo, MGen Antonio G. Palarde Jr., at BGen Serme Ayuyao.

Humarap ang dalawang aktor at production people ng GMA-7 para hingin ang tulong ng military para mas mapaganda at mas maayos ang paggawa ng network sa Philippine adaptaion ng Descendants of the Sun. Gagampanan ni Dingdong sa DOTS ang role ni Capt. Lucas Manalo o si Big Boss.

Maine kinaray si Arjo sa Hello, Love...

Totoong nanood si Maine Mendoza ng Hello, Love, Goodbye dahil may video na nakita siyang manonood at kasama nito si Arjo Atayde. Ang ganda lang tingnan na habang may nagpapa-picture kay Maine, nasa likod niya si Arjo na may bitbit na supot na snacks yata nila ang laman.

Anyway, in-announce ng Star Cinema na umabot na sa P400,044, 287.61 ang box-office gross ng Star Cinema movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards as of August 10. Kaya tuluy-tuloy ang pasasalamat ng Star Cinema at ng buong cast na rin.

Pumunta sa Dubai at Abu Dhabi sina Alden at Kathryn para sa international

screening ng movie sa Middle East. Hindi lang sila matutuloy dumalo sa international screening sa Hongkong dahil sa protesta roon.

May #RoadTo500M ang fans nina Kathryn at Alden at tulung-tulong sila para maabot ang P500M gross ng Hello, Love, Goodbye sa buong showing nito kasama ang local at international gross.

Aktres naudlot ang balak sa manager! 

Hindi natuloy ang balak na pagpapalit ng manager at paglipat ng network ng isang aktres dahil naggi-guest na uli siya sa shows ng gustong layasang network.

Napanood uli ang aktres sa isang Sunday show at magkakaroon pa ng bagong soap. Wala na sigurong mairereklamo ang aktres nito sa kanyang manager dahil ginagawa ng manager ang kanyang trabaho.

Nakwento kasi ng aktres sa mga kaibigan ang planong pagpapalit ng ma­nager at paglipat sa ibang network para raw subukan kung paano magtrabaho sa kabila. Hindi nangyari ang plano ng aktres at heto nga mapapanood na uli siya sa shows ng gustong layasang network.

vuukle comment

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with