^

PSN Showbiz

Coco hindi apektado sa ‘salpukan’ nina Yassi at Julia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco hindi apektado sa �salpukan�  nina Yassi at Julia
Coco Martin

Lucky raining day ang Thursday na beauty day ko pero hindi puwede na hindi ako pumunta sa presscon ni Eric John Salut para sa kanyang alaga ngayon na si Javi Benitez.

Overacting ang ulan at traffic noong Huwebes pero go pa rin ako. Ang suwerte ko dahil nakita ko si Coco Martin na may meeting para sa Ang Pro­binsya­no kaya sinabi ko na kunin niya si Benjie Paras para sa Tripol Trobol, ang kanyang festival movie sa December 2019.

Nag-promise naman si Coco na nagsabi na love niya ako at hindi totoong galit siya dahil sa Yassi Pressman at Julia Montes issue na inaaway ako ng fans na ewan ko kung bakit no!

In one day, dalawa sa favorite personalities ko sa showbiz ang nakita ko, di ba lucky day ‘yon?

At sabi nga ni Ian Fariñas dahil favorite actor mo si Javi, Salve, kahit hindi pa palabas ang ginawa niyang movie, sure ako na inggit ka sa amin na talaga naman happy na ang bait- bait ng mga aktor na nakita at nakausap namin in a rainy day.

Love you Coco and Javi. You made the day sunny with your smiles, o ‘di ba, very cheesy?

Maine at Marian nagtugma ang ugali!

Tuwang-tuwa si Gorgy Rula sa good mood ni Maine Mendoza nang magkita sila sa story conference ng filmfest movie nila ni Bossing Vic Sotto.

Ang bait-bait daw ni Maine at ang sarap kausap. Sabi ko nga si Maine parang si Marian Rivera, kung ano ang mood for the moment, ‘yon ang ipinapakita, hindi tago o nakikipagplastikan.

Ang kanilang mga kaibigan, friends nila kahit sabihin pa na hindi ka- level ng status nila bilang mga artista. Love na love si Maine ni MJ, ang PA namin sa Startalk. Eh si MJ unconditional ang love sa mga artista na siya ang personal assistant.

So makikita mo who these stars are, kung paano nila i-treat those people close to them. Si Marian, bisita sa mga intimate party nila ni Dingdong Dantes ang stylist niya, make up artist niya na si Bambbi Fuentes at kahit sino na talagang friend nila ni Dingdong.

Hindi ang malalaking artista o VIP na alam mo na pang-name dropping lang kung minsan kaya invited pero hindi naman talagang ka-close. You appreciate ang mga ganitong relasyon sa gitna ng plastikan sa showbiz.

You feel the sincerity of the person. Kahit artista, ang what you see is what you get ang talagang dapat na attitude. Walang pakitang tao.

UltraMega tumutulong sa small entrepreneurs

Sinabi ko kay Eloisa ng UltraMega na dapat na magpatulong siya sa Take It... Per Minute! (Me Ganun) para maipaalam sa lahat kung paano natulungan ng UltraMega ang small entrepreneurs natin.

Tinutulungan ng UltraMega ang mga nagtatayo ng mga sari-sari store at ng ibang mga negosyo kaya tuwing October, talagang sumusugod ang mga tao sa kanilang anniversary bazaar sa PICC dahil hindi lang mga discount ang ipinamimigay nila, grabe rin ang mga papremyo.

Dapat malaman ng maraming tao na napakadali na magkaroon ng negosyo na sure ball sa tagumpay at malaking tulong ang UltraMega supermarket sa pangarap na ‘yan ng ating kababayan kaya puntahan na nila ang iba’t ibang branches ng UltraMega.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with