^

PSN Showbiz

Javi nakitaan nina Tonton at Christopher ng kakaibang galing

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Javi nakitaan nina Tonton at Christopher ng kakaibang galing
Javi

Excited ako dahil kasama na pala sa cast ng The General’s Daughter ng ABS-CBN si Javi Benitez, ang star of the hour mo Salve.

Sabak agad sa isang primetime show si Javi kaya lang nalungkot ang fans dahil babu na agad pala siya sa show. Pero parang na-impress sa kanya ang Star Magic kaya isinalang agad sa show ni Angel Locsin.

Sabagay, sabi ni Tonton Gutierrez at Christopher de Leon, may something si Javi na puwedeng hasain na mabuti para sa kanyang showbiz career.

It was really a new exciting world for him, from school sa US, heto a whole new world for Javi.

Gaya ng anak ni Cris Roque na si Gino, both young men, nag-try sa bagong mundo na pinasok nila.

At least, may fall back sina Javi and Gino kapag ayaw na nila na mag-artista. Detour lang sa kanila ang  showbiz kaya walang pressure sa  balikat nila.

Pero maganda rin na sana, maging tagumpay ang kanilang trial sa bagong mundo na pinasok nila. Welcome guys and enjoy your stay in showbiz.

AiAi, Rufa Mae, Kakai at Juliana Segovia kakaiba ang pagpapatawa

Ang ganda ng presscon noong Miyerkules ng And Ai, Thank You ng Reality Entertainment. Puno ng tawanan ang presscon dahil comedienne ang lahat ng cast like AiAi de las Alas, Rufa Mae Quinto, Kakai Bautista at Juliana Parizcova Segovia.

Kaloka dahil tawa nang tawa ang press sa mga sagot ng mga naturang artista sa mga tanong nila.

Nasagot din ni Rose ang tanong namin ni Allan tungkol sa And Ai Thank You director na si Joven Tan.

Ang saya talaga ng presscon kaya palagay ko, masaya rin ang magiging resulta ng pelikula sa box office dahil ibang AiAi at Rufa Mae ang mapapanood.

Base sa trailer na ipinakita, mukhang lahat ng mga eksena, hahagalpak sa tawa ang moviegoers. Wish you luck team And Ai, Thank You.

Sen. Win at Patch Magtanong ‘di umubra!

Mukhang bigo ako sa aking pag-play cupid kay Senator Win Gatchalian at Bb. Pilipinas-International Patch Magtanong.

Hindi nag-jive ang kanilang schedule para sa pictorial interview kaya wah, waley, nada, ang aking pagod na pagtagpuin ang kanilang landas.

Talagang hindi ako puwede na matchmaker, ayaw ni Cupid na makialam ako sa tadhana ng lovers. Sa paghahanap na lang daw ng datung ako mag-concentrate, huwag na sa meet and greet.

Okey lang, baka nga mas matindi ang kapit ni Bianca Manalo kay Kupido kaya hindi pinagtagpo sina Win at Patch.

Pinaka-big catch na sa isang bachelor ang isang tulad ni Patch na beauty and brains. Pero kung hindi uukol, waley lang.

Talagang ganyan ang buhay, minsan nganga. At least, I tried. Feeling ko pa naman magiging romance story of the year ang WinPatch tandem na na-ghosting agad.

vuukle comment

JAVI BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with