^

PSN Showbiz

Magandang young female personality nahukay ang mga kagagahan nung bata

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Parang you and me against the world ang hinaharap na laban ngayon ng isang young female personality. Kontrabida ang role na gina­gampanan niya ngayon sa tunay na buhay at hindi bida na nakasa­nayan na niya.

At dahil paborito siyang gawing pulutan ngayon sa social media ay parang kuta ng langgam na nabulabog ang mga dati niyang kaklase, ang mga nakakasama niya nu’ng hindi pa siya nag-aartista, nakikisawsaw na rin sa isang platito ng umaalingasaw na bagoong ang mga ito ngayon.

Kuwento ng aming source, “Lumutang tuloy kung gaano siya talaga kamaldita. Ang dami-daming nagpo-post ngayon ng mga pinaggagagawa niya nu’ng bata pa siya!

“Siya pala ang bully, siya ang palaging tumitirya sa mga kaklase niya! Palagi na ngang nakanguso ang girl, mahilig pa siyang umirap na para bang wala siyang kasingganda sa mundo!

“Ayan, nabuhay uli ang mga dati niyang nakakasama, may kani-kanyang kuwento sila tungkol sa malditang young actress!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Maganda siya kung sa maganda, kilalang mga artista ang kanyang mga kapamilya, pero hindi kuno ‘yun nagbibigay sa kanya ng lisensiya para magmaldita siya.

Patuloy na kuwento ng aming source, “Ang tindi ng mga anekdotang inilalabas ng mga dati niyang schoolmates! Kapag flag raising ceremony pala, e, gumagawa siya ng paraan para hindi pumila sa ilalim ng araw!

“Baka naman natatakot siyang umitim, kaya ganu’n siya, kaya kapag dumarating na siya sa school, e, nagsasakit-sakitan siya ng tiyan! Libre na nga naman siya sa flag raising ceremony!

“Pero pagkatapos nu’n, e, okey na ang hitad! Nambu-bully na naman siya ng mga kaklase niya! Marami talaga siyang kadramahan kapag ayaw niyang gawin ang utos ng school!

“Pero ito ang nakakatawa. May mga kaklase siyang nagbuking na pumapasok siyang tastas ang laylayan ng kanyang skirt. Paulit-ulit niyang ginagamit ‘yun nang hindi man lang tinatahi!

“Kaya ano ang sabi ng mga dati niyang kaklase, bago siya magmaldita, e, tahiin niya muna ang laylayan ng palda niya! Nakakaloka pala ang girl na ‘yan na ang feeling daw, sabi ng mga kaklase niya, e, pinakamagandang babae na siya sa buong mundo!

“Sige, maglitanya pa siya nang maglitanya para lalo pang maglutangan ang mga kamalditahan at kahitaran niya! Siya pala ang bully, pero ibinibintang niya ‘yun sa iba!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Litanya sa statement ni Julia, kinopya lang daw!

“Team Bea for the win!” ‘Yun ang sigaw ni Gretchen Barretto nang ilabas ni Julia Barretto ang kanyang “obra maestra.”

Lantarang sinabi ‘yun ni Gretchen nang walang paliguy-ligoy, walang pagdadalawang-isip, talagang kinampihan niya si Bea Alonzo na mortal na kaaway na itinuturing ngayon ng kampo ni Julia.

At milyun-milyon ang nakakampi ni Gretchen nang sabihin niya na kumuha pa ng ghost writer si Julia para lang maisalba ang kanyang imahe, isang napakadesperadong hakbang, pero wala rin namang nangyari.

Sabi nga ni Attorney Jess Falcis sa kanilang programang Boljak ni Attorney Bruce Rivera, “Wala siyang originality, ha? Kinopya lang niya ang isang litanya du’n sa kuya ko (Nicko Falcis)!

“Ginamit niya ‘yung ‘You can play victim if you want, but I refuse to be your victim!’ Sa kuya ko ‘yun, ha?” natatawang sabi ng abogado.

Oo nga naman. Nu’ng kasagsagan ng pagpapalitan nang maaanghang na salita ni Nicko at ni Kris Aquino ay lumutang ang ganu’ng patutsada.

Komento naman ni Ching Bautista Silverio na balikbayan mula sa Palo Alto, ang yayamaning lugar sa San Francisco, “I’m sorry, but Julia is not that articulate, so stop pretending to be one when you’re not!

“Bea never mentioned Julia’s name in any of her press releases. Gretchen was right saying that it was a desperate move on Julia’s part, kasi nga, nega siya and she’s like being pushed against the wall kaya she made that statement.

“No way out na siya,” diretsong komento ni Ching Bautista Silverio na napakahusay manghula ng mga blind items.

Masarap magbasa ng mga litanyang maayos ang pagkakasalansan ng mga salita, pero masarap lang, labas du’n kung maniniwala tayo o hindi.

Hindi nakaganda kay Julia Barretto ang pangangaral kay Bea Alonzo, “Look, who’s talking?” ang ibinuwelta sa kanya ng mga netizens, nakapanghihinayang na effort.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with