^

PSN Showbiz

Rufa Mae na-miss ang showbiz

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae na-miss ang showbiz
Ruffa Mae Quinto

SEEN: No-show si Dennis Padilla sa grand presscon kahapon ng And Ai Thank You, ang drama comedy movie ni AiAi Delas Alas na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 14.

SCENE: Si Joven Tan ang sumulat ng kuwento at direktor ng And Ai, Thank You. Tungkol sa isang artista na sikat pero may taning na ang buhay ang kuwento ng pelikula ni AiAi Delas Alas pero hindi ito halaw sa mga tunay na pangyayari sa showbiz.

SCENE: May special participation sa And Ai Thank You si Rufa Mae Quinto. Ipinagtapat ni Rufa Mae na na-miss niya ang entertainment writers at ang presscon ng And Ai Thank You ang unang grand presscon na kanyang dinaluhan matapos na magsilang ng anak noong February 2017.

SEEN: Overwhelmed ang comedienne na si Kakai Bautista dahil natupad ang pangarap niya na makatrabaho si AiAi Delas Alas sa isang pelikula. Ang makasama ang Comedy Queen sa pelikula ang isa sa mga bucket list ni Kakai. 

SCENE: Bago naging singer-comedienne, nagtrabaho si Kakai Bautista bilang wardrobe assistant ni Lea Salonga sa musical play na They’re Playing Our Song. Bahagi ng trabaho ni Kakai ang bihisan si Lea at plantsahin ang mga damit na ginagamit ng singer-actress sa nabanggit na musical play.

SEEN: Hindi na dapat naglabas ng statement si Julia Barretto tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa break up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Dahil sa statement na inilabas ni Julia, lalong lumaki ang isyu at negatibo ang lahat ng mga komento sa kanyang ginawa.

SCENE: Limitado lang ang puwedeng mag-post ng comments sa Instagram account ni Julia Barretto kaya mga positive lang ang mababasa na reaksyon mula sa kanyang mga supporter.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with