^

PSN Showbiz

Kathryn tinawag na superstar ng direktor ni Nora!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn tinawag na superstar ng direktor ni Nora!
Nora

Nakatsikahan namin si direk Joel Lamangan sa CCP kung saan naglalagare siya ng mga pinapanood niyang pelikula sa Cinemalaya 2019.

Nagkuwento si direk Joel tungkol sa first shooting day ng pelikula niyang Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Naloka raw siya sa first day nila na kinunan sa Noveleta, Cavite dahil binagyo raw sila.

Hindi naman daw nag-uulan pero sa tabi raw kasi sila ng dagat kaya ang lakas ng hangin.

“Nagliparan ang mga tent day! Apat na tent ang lumipad kaya the next day, pack up na kami,” bulalas ni direk Joel.

Kahapon daw sila nag-resume at excited si direk Joel dahil bilib pa rin daw siya kay Nora.

“Mahusay pa rin si Guy! Maga­ling at maaga siya dumating sa set ha?” puri ni direk Joel.

Kukunan daw muna niya ang mga eksena nina Nora, Phillip at Michael. “Yun kasi ang mabibigat. Tapos mga bata na,” sabi pa niya.

Tantiya ni direk Joel, mga 20 percent daw ng movie ang participation ng mga batang bida na gagampanan naman nina Maris Racal, Albie Casiño at Migs Almendras.

Doon daw nila nakita na parang kamukha na raw ni Maris si Nora nung bagets pa ang superstar, at naririnig daw niyang magaling naman umarte si Maris.

Hindi naman kami kinontra ni direk Joel nang sabihin naming mas kamukha talaga ni Nora si Kathryn Bernardo nung kabataan nito. “Hindi naman natin makukuha yun neng! Hindi ibibigay yun, Siya na ang superstar ngayon!” tili sa amin ni direk Joel.

Iginiit pa rin namin na sana sinubukang ipaalam at baka ibigay naman bilang special participation.

“Huwag na tayo magsayang ng oras. Hindi papayagan ‘yun. Dalawang araw lang ang shooting,” hirit uli ni direk Joel.

Hindi yata naalala ni direk Joel na naidirek na niya dati si Kathryn nung sobrang bagets pa ito.

Si Kathryn pala ang gumanap na batang Maricel Soriano sa teleser­yeng Vietnam Rose.

Parang na-trauma nga raw si Kathryn nun dahil pinatakbo raw siya nang pinatakbo ni direk Joel sa eksena kaya takot na takot daw nun si Kathryn kay direk Joel.

Kahapon sa second day nila ay kasama na sina Sanya Lopez at Zanjoe Marudo na excited ding makatrabaho si Nora Aunor.

Mother Lily gustong buhayin ang mga sinehan sa Avenida

Kung kinakarir na nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti ng Reality Films ang pagsasapelikula ng life story ni Mother Lily Monteverde, meron naman pinagkakaabalahan ngayon si Mother na sana matuloy daw.

Gusto kasing tumulong ni Mother Lily sa pag-aayos ni Mayor Isko Moreno sa Avenida.

May property pala roon sina Mother at Father Remy na kung saan meron pa silang mga sinehan sa kahabaan ng Avenida. Kaya gusto raw niyang ibalik ang mga sinehan niyang Jenet at Lord na nagsara na. “From Florentino Torres and yung ano yun, besides Ave­nue Theater, dun sa amin. Pero, I have to talk to my husband, I think this will be our new beginning again,” pakli ni Mother Lily nang sanda­ling nakatsikahan namin sa mediacon ng pelikula niyang Mina-Anud.

Nakita ko nga roong nakipag-meeting na si Mother Lily sa mga architect dahil gusto raw niyang makiisa sa mga project ni Mayor Isko na pagandahin ang Avenida. Bilib si Mother sa mga plano ni Mayor Isko sa Maynila, kaya makipagtulungan daw siya. Kasama sa pelikulang Mina-Anud si Lou Veloso na konsehal din sa Maynila, at puring-puri niya ang kasalukuyang Mayor ng Maynila dahil sa napakasipag daw nito.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with