^

PSN Showbiz

Probinsyano, Idol nanguna noong July

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Probinsyano, Idol nanguna noong July
Coco Martin

 Katulad ng mga nakaraang buwan, hindi pa rin natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.6%) bilang pinakapinapanood na programa ng mga Pilipino nationwide. Kasunod naman nito ang action-drama na The General’s Daughter  (31.3%) na hanggang September na lang.

Nagtapos naman ang unang season ng Search for the Idol Philippines (30.1%) bilang numero unong programa tuwing weekend, habang hawak pa rin ng TV Patrol (28.5%) ang titulo bilang most watched weekday newscast sa buong bansa.

At marami rin  ang patuloy na tumatangkilik sa mga nakakaantig na mga kwento  ng  Maa­laala Mo Kaya (24.8%), habang nakasubaybay pa rin ang viewers sa matitinding kaganapan sa Kadenang Ginto (24.1%) tuwing hapon.

Pasok din sa listahan ng most watched programs noong Hulyo ang Hiwaga ng Kambat (23.6%) at Home Sweetie Home: Extra Sweet (21.6%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t ibang time blocks, partikular na sa primetime at sa afternoon block. Nagkamit ang Kapamilya network ng 47%. Pagdating naman sa afternoon block (3 PM to 6PM), nakapagtala rin ang ABS-CBN ng 47%. 

Namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39% at sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 44%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with