^

PSN Showbiz

Dennis naghahanda na sa concert nila ni Jennylyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dennis naghahanda na sa concert nila ni Jennylyn
Dennis Trillo

Tuloy na raw ang concert na pagsasamahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil sa nag-hit nilang CoLove sa YouTube channel na Jennylyn Mercado.

Tsika ni Dennis sa amin sa nakaraang mediacon ng pelikula niyang Mina-Anud,  sa February 15, 2020 na raw ito na gaganapin sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), Araneta Center, QC.

Ang title daw ng kanilang concert ay CoLove Live, at may mga kinakausap na nga raw silang magi-guest.

“Nag-iipon na kami ng guests. Hindi na muna namin sasabihin sa ngayon,” pakli ni Dennis sa mediacon ng Mina-Anud na magsu-showing na sa August 21.

Nagustuhan ng viewers nila ang mga 80s at 90s na mga kanta, pero since concert ito, hahaluan nila ng iba pang klaseng kanta. Siyempre, magda-drums din si Dennis sa ibang numbers.

“Siguro, magkakahalo dahil marami kaming kakantahin dun at ayaw naman namin limitahan sa 80s and 90s. Pero may konting bago para naman sa iba,” saad pa ng Kapuso actor.

Ideya raw ito ni Jennylyn dahil sa magandang feedback sa YouTube.

“Kasi, sabi niya, medyo maganda ang pagtanggap sa CoLove, dapat maaga pa lang, ma-promote na natin. “At mabuting pagkakitaan na rin namin,” napapangiti niyang pahayag.

Kit nagmo-move on sa kanyang video scandal

Ilang araw bago ang gala night ng Cine­malaya entry na Belle Douleur, nasold out na ang tickets nito.

Ginanap ang gala night ng entry ni Atty. Joji Alonzo na Belle Douleur at tama naman ang desisyon ng young hunk actor na si Kit Thompson na bumalik ng bansa para gawin ang pelikulang ito.

Nasa Amerika pa siya nang nagpadala siya ng audition video kay Atty. Joji Alonzo para sa role bilang si Josh.

Ipinakita rin ni Atty. Joji ang video sa bida ng pelikulang ito na si Mylene Dizon at sabi ng aktres, slang na slang si Kit, pero ang pogi kasi.

Malaking bagay na matangkad si Kit dahil iyun ang gusto ni Atty. Joji na babagay daw kay Mylene.

Nang si Kit na nga ang napili, sinabi na agad ni Atty. Joji na may tatlong matinding love scenes siyang gagawin kay Mylene, mag­huhubad siya at may butt exposure.

Gustung-gusto ni Kit ang script nang nabasa niya, kaya bumalik siya sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang naudlot niyang showbiz career.

Sa pagbalik niya, muling naungkat ang mga isyung kinasangkutan niya noon at halatang hindi siya kumportableng pag-usapan ito.

Dagdag pa iyung kumalat na video scandal na hindi na lang dinalirot sa presscon ng naturang pelikula nung nakaraang Huwebes sa Max’s Restaurant.

Sabi ni Kit sa mga ganoong isyu, “Move on move on din. Past na iyun. So, you know… we all learn from it, as I said back then.

“Ang importante lang sa kahit anong ginawa mo na sa tingin mo reckless, na sa tingin mo, stupid or irresponsible, kailangang matuto ka. Yun lang.”

Pero sa totoo lang, lalo pa ngang siyang naging desirable nang kumalat ang video scandal na yun. Kaya swak ang role niya rito sa Belle Douleur.

“I guess,” tipid niyang sagot.

SS my twist na naman!

Hindi makalimutan ng sampung finalists ng Starstruck ang artista test na

ginawa nila nitong nakaraang linggo dahil si Cherie Gil ang kaeksena nila.

Lahat sila siyempre kabado, lalo na’t mabigat ang eksenang kinunan na dinirek ni direk Gina Alajar.

Sina Jeremy Sabido at Kim de Leon ang nasa bottom kagabi at isa sa kanila ang magpapaalam mamayang gabi.

Ang narinig namin, may panibagong twist naman ito kapag merong matatanggal mamaya.  Abangan na lang.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with