^

PSN Showbiz

Gladys at Christopher tutok sa negosyo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Gladys at Christopher tutok sa negosyo
Gladys Reyes at Christopher Roxas

Twenty seven years na ang relasyon ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas at kasama na rito ang kanilang pagiging mag-boyfriend na umabot ng 11 years at 16 years naman bilang mag-asawa.

Marami ang nag-akala noon na hindi magtatagal ang relasyon at pagsasama ng dalawa lalo pa’t naging mag-sweetheart sina Gladys at Christopher when they were only 14 and 12 years old nung ginagawa pa nila noon ang Mara Clara.

Aminado ang couple na nagkahiwalay sila noon sandali bilang magkasintahan pero agad din silang nagkabalikan at magmula noon ay tuluy-tuloy na ang kanilang magandang relasyon hanggang sa sila’y magpakasal. 

Ang mag-asawa ay may apat na anak – sina Grant, Aquisha, Gian at Gavin. Lima na sana ang kanilang supling kung hindi lamang nagka-miscarriage noon si Gladys na itinuring nilang “honeymoon baby”.

First and last boyfriend at girlfriend nila ang isa’t isa and no in-betweens.

Ang nakakatuwa sa mag-asawa, hindi sila nawawalan ng oras para sa isa’t isa at sa kanilang apat na anak sa kabila ng kanilang busy schedules laluna na ngayon na meron na silang restaurant business, ang Estela na matatagpuan sa Brickroad ng Sta. Lucia Mall.  Tutok ang mag-asawa sa kanilang itinayong restaurant. 

Bulaga maraming napasikat

Last July 30, ay nagdiwang ng kanilang ika-40th year sa ere ang top-rating at longest-running noontime show, ang Eat Bulaga na ang prime hosts ay sina Tito sen, Vic Sotto at Joey de Leon. Sa tatlo, si Tito Sen lamang ang pumalaot sa mundo ng pulitika na kanyang sinimulan bilang vice mayor ng Quezon City hanggang sa kanyang pagiging senador at ngayon ay bilang Senate President, ang ikatlong pinakamataas na posisyon sa bansa.

Ang pagpasok ni Tito Sen sa pulitika ay suportado ng kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga maging ng TAPE, Inc. na siyang producer ng programa.

Sa loob ng 40 taon ng Eat Bulaga ay marami na ang naging bahagi at nawala sa programa at kasama na rito ang yumaong singer-comedian na si Ritchie Reyes na mas kilala bilang si Ritchie D’ Horsie, sina Coney Reyes, Angela Cruz, Christine Jacob, Toni Rose Gayda, Toni Gonzaga, Isabelle Diaz, at napakarami pang iba. Naging daan din ang Eat Bulaga ng maraming mga kilalang personalidad ngayon tulad nina Jericho Rosales, Michael V., Aiza Seguerra, Pauleen Luna, Francine Prieto, Gladys Reyes, Ryzza Mae Dizon at iba pa.

Marami-rami na rin ang tumapat sa Eat Bulaga pero ang It’s Showtime lamang ang tumagal now on their 10th year.

Ngayong 40 years old na ang Eat Bulaga, umabot pa kaya ito ng another 40 years?

Ano sa palagay mo, Salve A.?

Sikat na aktor nakabuntis ng starlet

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin, Salve A., na nakabuntis umano ang isang kilalang actor sa isang starlet?

Very reliable ang aming source kaya mukhang may katotohanan ang balitang ito.

May mga anak na ang actor sa mga naging ex-girlfriend nito pero ayaw pa ring magpatali kahit kanino although nag-propose na rin ito ng marriage sa isang controversial TV and movie personality.

vuukle comment

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with