^

PSN Showbiz

May joint account na, Dennis umaming halos nagsasama na sila ni Jennylyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
May joint account na, Dennis umaming halos nagsasama na sila ni Jennylyn

Natawa naman si Dennis Trillo sa isyung ghosting dahil dahil never pa raw pala niya ito nagawa sa mga nakaraan niyang relasyon.

Kaya nagtanong pa siya kay Jerald kung ano ang ibig sabihin nito.

Sa kanya raw kasi ay never niyang gagawin sa isang karelasyon na basta na lang putulin ang komunikasyon at i-ghosting nga ito.

“Parang hindi kasi puwedeng mangyari yun sa isang seryosong relasyon.

“Para sa akin, hindi na puwedeng hindi pa alam na break na pala kayo na ikaw lang ang nakakaalam.

“Ayoko kasing mangyari yan sa akin, kaya ayoko ring gawin sa isang tao.

“Ako kasing tao na ayokong nakakasakit ng loob sa isang tao eh, sa kapwa. Kaya si­guro hindi ko alam yun at ngayon ko lang narinig yung term na yun,” pakli ni Dennis.

Pero sa ngayon ay masaya na ang aktor sa relasyon nila ni Jennylyn.

Hindi lang nga sila partner sa buhay kundi pati sa negosyong mga ipinundar nila.

Tuloy pa rin daw ang cookies na ginagawa mismo ni Jennylyn at binebenta nila, at may sinimulan pa silang negosyo na build and sell.

Kaya hindi lang sila partner sa kanilang relasyon kundi pati sa pagpundar ng mga negosyo para na rin sa kanilang future.

Medyo naalangan pa siyang aminin na meron na silang joint account at halos magkasama na sila sa iisang bubong para sa magandang future na ipinupundar nila.

Ayaw din niyang sabihing next year ay may mababalitaan na tayo sa plano nila, pero may mga pinaplano na raw siya pati sa proposal, at mababalitaan naman daw natin lahat.

“Iba kasi akong tao eh. Mga ganung bagay, hindi ko talaga binu-broadcast. Malalaman nyo rin kapag nandiyan na,” sabi niya.

Sinundan na rin namin ng tanong kung pinag-iipunan na ba niya ang singsing na ipasusuot kay Jennylyn para sa proposal niya?

“Nag-iipon ako sa maraming bagay lalo na sa future namin,” safe niyang sagot.

Bukod kina Jerald Napoles at Matteo Guidicelli, kasama rin pala ni Dennis dito sa Mina-Anud sina Lou Veloso, Mara Lopez, Dionne Monsanto, Elia Ilano, Anthony Falcon at Marc Felix.

Jerald naka-relate sa ‘ghosting’

Dahil kay Jerald Napoles, biglang naungkat ang isyung ghosting sa mediacon ng pelikulang Mina-Anud ng Regal Films at Epicmedia.

Hindi naman nabanggit si Gerald Anderson, pero ito kasing si Jerald ay inamin niyang nagawa raw niyang mag-ghosting sa isa sa mga nakarelasyon niya.

Hindi naman daw sa ipinagtatanggol niya si Gerald Anderson, pero base sa kanyang karanasan, nagkaroon lang daw siya ng takot noon kaya totally pinutol na niya ang komunikasyon sa dating nakarelasyon niya.

“Sa tingin ko pag bata ka pa…ewan ko kung ganito rin ang nangyari kay, hindi ko na babanggitin ang pangalan niya..oo sa katukayo ko.

“Kasi pag bata ka pa, tapos pag nabaligtad na yung pakiramdam mo at ang desisyon mo sa buhay, at hindi mo alam yung gagawin, parang na-shut down mo na lang, tapos meron ka na lang na ‘bahala na kung magalit siya, lilipas din yan. Minsan may ganung feeling ako,” napapa­ngiting pahayag ni Jerald.

“I think, ganun ang nararamdaman ng nag-ghosting, hindi niya kayang makumpronta yung galit, at kung ano yung ibibigay sa kanya ng bulkan.

“Usually, nangyayari yun sa hindi pa talaga ready sa relasyon o let’s say immature pa sa relationship,” dagdag niyang pahayag.

Pero ngayon masasabing sigurado na si Jerald sa relasyon niya sa komedyante ring si Kim Molina at limang taon na pala silang magkasintahan.

Sabi nga niya, yung first two years ng kanilang relasyon ay parang chill chill pa lang daw sila, yung dating dating. Pero ngayong umabot na sa limang taon, seryoso na raw sila sa kanilang mga plano sa future.

Tuwang-tuwa si Jerald dito sa Mina-Anud dahil parang nagbakasyon na rin daw sila sa Real, Quezon na pinag­syutingan nila.

Nakakapag-surfing daw sila roon kapag walang take, at kumportable raw siya sa mga co-actor niya na sina Matteo Guidicelli, Dennis Trillo na ka-close niya sa GMA 7. Ka-vibes din daw nila ang direktor nitong si Kerwin Go na first time pa lang magdirek ng isang full-length film.

Sa August 21 na ang showing ng Mina-Anud pero sa August 10 ay mapapanood ito sa Cultural Center of the Philippines dahil ito ang magiging closing film sa Cine­malaya 2019 na kasisimula lang kahapon.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with