^

PSN Showbiz

Sen. Bong sabik mag-showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong sabik mag-showbiz
Sen. Bong

May problema ngayon si Senator Bong Revilla, Jr. dahil sa rami ng mga gusto niyang tulungan, hindi ito kakayanin ng kanyang suweldo bilang senador.

Alam naman natin na ang showbiz ang bread and butter ni Bong. Nanggagaling mula sa mga kinikita niya sa showbiz ang kanyang ibinibigay sa mga humihingi ng financial assistance, ang mga kababayan natin na may mga sakit na kanser, mga sumasailalim sa dialysis treatment at sa mga nangangailangan ng pera na pambili ng mga gamot na sobrang mahal ng presyo.

Nandiyan din ang mga estudyante na kailangan ng scholarship para makatapos ng pag-aaral.

Mga problema na madaling malutas ni Bong kung active siya sa paggawa ng pelikula. Alam ni Bong na dapat na harapin nang todo ang kanyang trabaho bilang senador pero puwedeng i-sacrifice niya ang ilang oras para ma­dagdagan ang income na maaaring i-share sa mga tao na nangangailangan ng tulong.

Nasa dugo ni Bong ang pagiging artista at nasa puso rin niya ang pagiging public servant kaya kung puwedeng pagsabayin ang dalawa, bakit hindi?

Pero priority pa rin ni Bong ang pagiging senador, lalo pa’t tinatanaw nito na malaking utang na loob sa mga tao na nagbigay tiwala sa kanya ang muling pagbalik niya sa senado.

Pero sabik na rin ang kanyang fans na mapanood siya sa TV, kahit isang beses sa isang linggo. Well, hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil sabik na rin si Bong na muling humarap sa kamera.

Basta this time, promise, subsob muna ang kanyang ulo sa mga responsibilidad niya bilang senador, mabuting mambabatas pero sana, mapagbigyan din ang creative juices niya bilang aktor.

Local showbiz masiglang-masigla

Nakakatuwa na madalas ang mga presscon ngayon na patunay na marami pa rin ang mga bagong pelikula na ipalalabas sa mga sinehan pagkatapos ng certified blockbuster na Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

Dalawang presscon ang ipinag-imbita ni Jun Nardo, ang presscon kahapon ng Belle Douleur at ang presscon ngayon ng Mina-Anud.

Starring sa Belle Douleur sina Mylene Dizon at Kit Thompson. Official entry sa Cinemalaya Independent Film Festival ang Belle Douleur na movie directorial debut ni Atty. Joji Alonso na lawyer na, movie producer pa.

Mga bida naman sa Mina-Anud sina Dennis Trillo, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli. Ang Regal Entertainment Inc. nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang producer ng Mina-Anud na showing sa mga sinehan sa August 21.

Kapag sunud-sunod ang mga presscon, masaya ang showbiz dahil ipinapakita lang na kahit struggling, alive na alive ang local movie industry.

vuukle comment

BONG REVILLA

JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with