Dimples, nagmadaling mag-asawa
Hindi naging madali ang buhay ni Dimples Romana noon bilang isang bata. Nasaksihan kasi ng aktres ang nakababatang kapatid na si Pebbles na namatay dahil sa pagkakaroon ng leukemia. “I had a sister who had leukemia at five years old, nine years old ako no’n. I realized na this is not a normal childhood that a child would have,” pagbabahagi ni Dimples.
Ang malungkot na alaala lamang daw ang dala ng aktres nang mag-audition sa ABS-CBN noong labingdalawang taong gulang pa lamang. “No’ng dinala ako sa ABS, parang tinanong ako kung saan ako magaling. Mahiyain ako no’ng time na ‘yon. Di ako kumakanta, di ako sumasayaw, pero no’ng nag-workshop, iyakin ako kasi kamamatay lang ng kapatid ko. So sabi nila, ‘Ah sa drama ‘to,” kuwento niya.
Ilang taon pa lamang na nag-aartista noon si Dimples ay ang ama naman ang sumunod na namatay dahil sa aneurysm. “Namatay naman si Papa and that was the turning point for me, na I realized life is so short,” dagdag ng aktres.
Dahil sa pagkawala ng ama ay kinailangang huminto ni Dimples sa pag-aaral at pagbutihin pa lalo ang trabaho para itaguyod ang ina at mga kapatid. Aminado ang aktres na nagmadali rin siyang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya noon. “I’m always in a hurry. I wanted to have a baby early. I wanted to have a family early. That was the effect on me,” pagtatapos ni Dimples.
Robi, ginawang tour guide ang gf sa New York
Kamakailan ay nakapagbakasyon si Robi Domingo kasama ang kasintahang si Maiqui Pineda sa New York. Masayang-masaya ang aktor dahil ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating siya roon. “First time in New York, meron akong certain expectations pero na-surpass ‘yon,” nakangiting pahayag ni Robi.
Ayon sa binata ay ang kasintahan umano ang nagsilbing tour guide sa kanya dahil pamilyar na ito sa New York. “Siya ‘yung tour guide ko kasi siya ‘yung tumira do’n for a couple of months. So alam niya ‘yung galawan, alam niya ‘yung streets. Sobrang swerte ko kasi at least hindi ako nakadepende sa telepono or maghahanap ng direction or gagawa ng itinerary kasi siya ‘yung nag-ayos,” kuwento ng TV host.
Bukod sa pamamasyal ay naipakilala na rin daw si Robi sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni Maiqui na nakabase sa New York. “Ang gaan ng loob ko sa kanya kasi magaan talaga kasama. It’s another step towards that bigger kind of relationship and thankful for the trust. Kasi kapag pinakilala ka na sa pamilya iba na ‘yon eh and marami akong learnings hindi lang tungkol sa kanya kundi pati sa sarili ko, na tumatanda na rin pala tayo at masarap tumanda kapag masaya ka,” pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)
- Latest