^

PSN Showbiz

Rhian balik-teleserye na

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Rhian balik-teleserye na
Rhian

SEEN: Ang pagiging sinungaling ng isang aktres ang dahilan kaya binitawan ng talent manager ang pamamahala sa kanyang career. Hindi ito ang unang beses na nawalan ng manager ang aktres dahil nasanay na ito na magsinungaling, kahit sa maliliit na bagay.

SCENE: Kahapon, July 30, ang actual 40th anniversary ng Eat Bulaga, ang longest- running noontime variety program sa kasaysayan ng Philippine television kaya nagsuot ng red t-shirt na may print na number 40 ang original hosts ng programa. Unang umere ang Bulaga sa RPN 9 noong July 30, 1979, lumipat sa ABS-CBN noong 1989 at napanood hanggang 1995. Lumipat sa GMA-7 noong January 30, 1995 at napapanood pa rin sa kasalukuyan sa Kapuso Network. Marami na ang nadagdag na mga co-host pero sina Senator Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto pa rin ang mga mukha ng programa.

SEEN: Ang pagkakaroon ng Eat Bulaga franchise sa Myanmar ang magandang balita sa 40th anniversary celebration kahapon ng Eat Bulaga. Nauna nang nagkaroon ng Eat Bulaga franchise sa Indonesia noong July 2012 at natapos ito noong August 2016.

SCENE: Kahit nagkaroon siya ng tampo dahil sa pagkawala niya sa Eat Bulaga bilang co-host, binati ni Keempee de Leon ng happy anniversary ang programa na malaki ang naitulong sa kanyang showbiz career.

SEEN: Ang Ulthera Prime procedure ng Belo Medical Clinic ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagliit ng mukha ni Alden Richards mula nang magpapayat ito para sa Hello, Love Goodbye, ang pelikula ng Star Cinema na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Bukod sa kanyang diet program, malaking tulong ang Ulthera kaya lumitaw ang jawline at nawala ang chubby cheeks ni Alden.

SCENE: Love of My Life ang working title ng drama series na pagbibidahan nina Carla Abellana at Rhian Ramos sa GMA-7. Huling napanood si Rhian sa The One That Got Away noong 2018 at ang short-lived na Pamilya Roces ang last regular show ni Carla sa GMA-7.

SEEN: Inaasahan na lalong titindi ang hidwaan ng Barretto sisters dahil sa pagpapadala nina Gretchen at Claudine Barretto ng bulaklak kay Bea Alonzo. Ang anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto ang inaakusahan na third party sa pagkasira ng relasyon nina Gerald Anderson at Bea. Dati nang estranged ang relasyon nina Gretchen at Claudine kay Marjorie.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with