Zephanie, kauna-unahang Idol... grand winner
Nanalong kauna-unahang Search for the Idol Philippines si Zephanie Dimaranan matapos niyang pabilibin ang judges at publiko gamit ang kanyang tinig sa dalawang araw na grand finals na kompetisyon noong Sabado at Linggo (Hulyo 27 at 28).
Nakakuha si Zephanie ng 100% mula sa pinagsamang scores ng judges at text votes para higitan ang mga katapat niyang sina Lucas Garcia (70.2%) at Lance Busa (41.89%). Bilang premyo, nag-uwi ang singer na tubong Laguna ng P2 milyon, house and lot, trip for four to Taiwan, at recording contract from ABS-CBN.
Kasabay ng tagisan sa galing ng Idol hopefuls ang pagbisita ng American Idol finalist at Filipino pride na si Jessica Sanchez na umawit ng And I Am Telling You.”
Samantala, tinutukan ang naganap na grand finals matapos humataw sa national TV rating na 31.4% ang reality-singing competition noong Sabado.
- Latest