^

PSN Showbiz

Enchong gustong mag-travel ng may lovelife

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Enchong gustong mag-travel ng may lovelife
Enchong

Matagal nang pinapangarap ni Enchong Dee na makapaglibot sa iba’t ibang lugar sa Europe. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang makapagbakasyon ng aktor na kasama ang buong pamilya. “Dream ko ‘yung trip na ‘yon. I want to treat myself to places that I haven’t been to, that I haven’t experienced. And it’s not just me, it’s also my family. I want them to experience all the hard work I did for the past thirteen years,” bungad ni Enchong.

Bukod sa pagiging isang artista ay abala rin ang aktor sa kabi-kabilang negosyo. Wala mang kasintahan si Enchong ngayon ay umaasa naman ang binata na makikilala pa rin ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso. “Pinagdadasal ko sana na balang araw I can do a trip with a love life. Masaya rin ‘yung gano’n. I went on a date last year but it’s more of tinanong ko ‘yung sarili ko. ‘Is it worth it? Do you really want it?’ And alam ko sa sarili ko na I’m still enjoying my life. I still want to do a lot of things in my life. May oras tayo para diyan. For now, I really have these goals. Feeling ko naman tatanda ako hanggang one hundred years old. So meron pa akong seventy years for a love life. Well hopefully, seryoso talaga, I really want to live until one hundred,” pagbabahagi ng aktor.

Yassi may bagong negosyo sa Siargao

Magbibida si Yassi Pressman sa pelikulang Born Ready na unang napabalita noong isang taon. Hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang shooting ng bagong proyekto dahil sa schedules ng aktres. Halos araw-araw ang taping ni Yassi para sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

“We’re training and we’re meeting sa mga producers. Meron kaming ginawang trailer a year ago. Kaya lang they’re all foreign so para po mag-shoot dito, kailangan lock-in kami sa Tondo araw-araw. Eh habang nagte-taping pa kami, hindi pa nahahanapan ng schedule,” paliwanag ni Yassi.

Kamakailan ay pumunta ang aktres sa Siargao upang bisitahin ang ginagawang restaurant sa lugar na bagong negosyo niya. “Going there was very inspiring. Masaya kasi nakita namin ‘yung mga tao at ‘yun ‘yung importante para sa akin kaya ako bumisita. Isang araw lang ako do’n eh pero gusto kong maramdaman ‘yung warmth ng mga locals, kung okay ba ‘yung mga locals sa mangyayari. Kasi ayaw naman natin na merong matatapakan na mga tao. I was invited by my partners already here in Manila na i-check ‘yung project nila sa Siargao,” nakangiting kwento ng dalaga.(Reports from JCC)

vuukle comment

ENCHONG DEE

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with