^

PSN Showbiz

Sen. Bong nagbalik-tanaw sa kabataan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong nagbalik-tanaw sa kabataan
Bong Revilla, Jr.

Nag-trip down memory lane si Senator Bong Revilla, Jr. nang bumisita ito sa grade school na pinasukan niya noong bagets pa siya.

Marami na ang nangyari sa buhay ni Bong mula nang mag-graduate siya sa grade school, nag-aral sa Amerika, naging successful actor at producer hanggang maging tagumpay rin ang pagpasok niya sa public service at pulitika.

Kung masaya si Bong dahil nakita niya uli ang kanyang grade school teachers na pawang mga madre, doble ang happiness ng kanyang mga guro sa reunion nila.

“Natutuwa akong nag-reminisce ng mga nangyari sa akin noong bata pa ako. Masaya akong makasama ulit ang mga teachers ko noong grade school. Pinaalaala nila sa akin kung gaano ako kapilyo noon,” ang pagbabalik-ta­naw ni Bong na nag-claim na favorite siya ng kanyang mga teacher sa kabila ng kapilyuhan niya na hindi nakapagtataka dahil lovable naman talaga siya.

Pinky kahanga-hanga ang advocacy

Noong mag-post ako noon tungkol sa Koreanovela na Dear Friends, inilagay ko dapat ang photos na kuha sa 50th birthday celebration ni Pinky Tobiano Robles sa Haven for the Elders.

Advocacy ni Pinky ang pag-aalaga at pagtulong sa abandoned senior citizens ng Haven for the Elders. Every year, tuwing birthday ni Pinky, sinisiguro niya na nagdiriwang siya sa Haven for the Elders, bago sila bumiyahe ng Kikay Girls para sa kanilang yearly out of the country trip.

Admirable ang pagtulong ni Pinky sa old men and women na itinuturing niya na tunay na mga magulang.

Nagbibigay siya ng mga pagkain, damit at mga gamit na kailangan ng mga residente ng Haven for the Elders. Nagsasama rin siya ng celebrity friends na nagbibigay ng entertainment sa mga senior citizen na maligayang-maligaya at thankful sa generosity ni Pinky sa kanila.

‘Vietnam trip na-enjoy ko’

Alam mo Salve, hindi ko mapigilan purihin ang Los Viajes Travel abd Tours dahil ang ganda talaga ng alaga sa atin sa Vietnam trip.

Grabe ang over flowing food, ang guided tours at ang bait-bait ng guide na si Zac.

Ang luwag ng tourist bus at lahat ng pagkain natin fine dining. Kung pupunta kayo ng Vietnam, recommended ko talaga ang Los Viajes Travel and Tours.

It’s really worth the trip dahil sa ganda ng accomodation nila. I guarantee you, safe and worth it ang trip ninyo.

Pag-atungal ni Jennylyn may dahilan!

Maraming reason kaya umiyak si Jennylyn Mercado sa presscon ng GMA 7 para sa kanya nang mag-renew siya ng kontrata noong Biyernes.

Grateful at thankful si Jennylyn dahil ang buong akala nito, hindi na siya makakabalik sa showbiz nang mabuntis at magkaroon sila ng anak ni Patrick Garcia.

Hindi man nagtagal ang relasyon nila ni Patrick, naging successful actress si Jennylyn dahil nagkaroon siya ng mga pelikula, television show, product endorsements at nanalo ng acting awards.

Tumatanaw si Jennylyn ng malaking utang na loob sa GMA 7 dahil kung hindi sa suporta at pagmamahal ng Kapuso Network, alam niya na mahihirapan siya na makabangon.

Ngayon, isa na si Jennylyn sa mga highest-paid actress sa GMA 7 na patuloy na nagbibigay sa kanya ng magagandang projects at challenging roles.

Ang renewal ng exclusive contract ni Jennylyn ang assurance ng pananatili ng pagniningning ng kanyang showbiz career.

vuukle comment

JR.

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with