^

PSN Showbiz

Star Magic nagkakagulo dahil kay Julia

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Star Magic nagkakagulo dahil kay Julia
Julia Barretto

Pare-parehong talents ng Star Ma­gic ng ABS-CBNsina Bea Alonzo, Ge­rald Anderson, Julia Barretto at Joshua Garcia kaya malamang na gumawa sila ng paraan para mag-die down ang kasalukuyang kontrobersiya na kinasasangkutan ng apat lalo na kina Bea, Gerald at Julia.

During the grand presscon ng bagong upcoming TV series ng Kapamilya network, ang The Killer Bride na tinatampukan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenman, dumistansya na si Maja sa issue dahil labas umano siya roon. Si Maja kasi ay ex-girlfriend ng controversial actor ngayon na si Gerald pero ayaw nitong makisawsaw sa issue na hindi naman siya involved.  Bukod doon, masaya ngayon si Maja sa piling ng kanyang nakabalikang  non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez. Si Joshua naman ay itinuturing pa ring best friend ang dating kasintahang si Julia Barretto pero alam ng marami na hurting pa rin ang young actor hanggang ngayon sa paghihiwalay nila ng kanyang ka-loveteam at dating girlfriend.  Nauna lamang lumabas ang break-up nina Joshua at Julia pero lumutang din sa kanilang break-up ang pangalan ni Gerald, bagay na agad naman nilang pinabulaanan.  Pero dahil sa nangyari ngayon between Bea, Gerald and Julia, hindi nga malayong sabihing may kaunting katotohanan ang balita dati.

Hindi na nakausap pa si Joshua ng mga dumalong entertainment media at mga bloggers and vloggers after the presscon proper  dahil agad itong umalis dahil may iba pa umano itong commitment o baka umiwas lamang na matanong tungkol kina Julia at Gerald.

Pero anumang init ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon nina Bea, Gerald at Julia, huhupa rin ito tulad ng mga naunang controversial issues.

Sa part naman ni Bea, moving forward umano siya sa kabila ng kanyang pinagdadaanan ngayon sa kanyang personal na buhay. Mas binibigyan niya ngayon ng attention ang kanyang trabaho lalupa’t dalawang major projects ang kanyang haharapin in the next couple of days or weeks, isang bagong TV series at isang bagong pelikula na malaki ang maitutulong para siya’y madaling makapag-move on.  Ito bale ang second separation nila ni Gerald na unang nangyari in 2010.  Muli silang nagkabalikan in 2016 matapos silang gumawa ng pelikula, ang How To Be Yours. Dapat sana’y magse-cele­brate sina Bea at Gerald this month ng kanilang ika-3rd anniversary bilang magkasintahan pero hindi na ito umabot doon.  

James nasa music ang atensyon

It was in March 2018 nang ipalabas ang huling tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, ang Never Not Love You mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone under Viva Films. Ang nasabing pelikula ang nakapaghatid kay Nadine ng tatlong Best Actress award mula sa FAMAS, Gawad Urian at Young Critics Circle (YCC) this year bagay na kanyang pinasasalamatan.

Pagkatapos ng Never Not Love You ay agad sumabak si Nadine sa ibang proyekto na hindi niya kasama si James tulad ng Ulan na si Carlo Aquino naman ang nakatambal ng singer-actress-dancer at kasunod na rito ang dance movie na Indak kung saan si Sam Concepcion naman ang kanyang katambal. May solo project din sanang gagawin si James, ang local remake ng Pedro Penduko pero umatras ang singer-actor sa nasabing proyekto na napunta naman kay Matteo Guidicelli.

Wala pa umano sa immediate plans ng Viva ang muling pagtatambal nina James at Nadine kahit pa successful sa takilya ang mga nauna nilang pairing.

Ayon sa aming source sa Viva, mas nakatuon umano ang attention ngayon ni James sa musika, bilang producer at artist ng Careless Music.

Fanny walang formal training sa pagiging beautician

Napaka-inspiring ng buhay ng kilalang beauty guru, fashion designer, actor, celebrity endorser at entrepreneur na si Fanny Serrano, panganay sa limang magkakapatid at anim na taong gulang pa lamang noon ng sila’y iwan ng kanilang ama.

Sa murang edad ay natutong maghanap-buhay si Fanny para makatulong sa kanyang ina at sa kanyang apat na nakababatang kapatid.  

Kapag wala siya sa school ay nagtitinda umano siya ng kung anu-ano para lamang maitawid ang araw-araw nilang pagkaing magkakapatid habang namamasukang waitress naman ang kanilang ina.

Ang kanilang kahirapan ang nag-udyok kay Fanny na magsumikap sa buhay para mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Nang siya’y mamasukang boy ng isang beauty parlor ay nagka-interes umano siyang mag-observe hanggang sa siya’y matuto.

Ayon kay Fanny, wala umano siyang formal training sa kanyang pagiging beautician at fashion designer kundi hinatak umano siya ng kanyang determinasyon na maiangat ang buhay ng kanyang pamilya, ang kanyang ina at apat na kapatid.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with