^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah bulletproof na ang relasyon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Sarah  bulletproof na  ang relasyon
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Noong July 25 ang 31st birthday ni Sarah Geronimo kaya nakaabang ang lahat sa birthday message sa kanya ng boyfriend niya na si Matteo Guidicelli.

Ang akala ng fans, hindi na magbibigay ng mensahe si Matteo para sa kanyang girlfriend pero bago matapos ang araw, nag-post siya sa Instagram account niya ng birthday message na ikinakilig ng mga nakabasa.

“My love, HAPPY HAPPY BIRTHDAY! You are the most beautiful woman to ever cross my life. We keep our relationship very private but before the day ends let me say that I LOVE YOU VERY MUCH.

“No one and nothing can stop me from loving you more and more each day. We are bulletproof together love, keep that glow in your eyes and that magical heart.

“You’ve touched my life in ways that I can not explain, thank you. Keep being you and shine forever! I love you! HAPPY BIRTHDAY!” ang in love na in love na sabi ng bulletproof na si Matteo.

Vietnam Hindi na halata ang pinagdaanang giyera

Amazing Vietnam talaga Salve ang feeling ko pagdating sa airport ng Ho Chi Minh. Naalala namin ni Gorgy ang una naming punta dito ng hindi pa masyadong maayos ang Vietnam dahil katatapos lang ng war nila with USA.

Ang dating maliit na airport, malaki na ngayon, maraming establishment na modern na pero naroroon pa rin ang mga tindera na nakasalakot at ang nakakalokang pila ng motorsiklo.

Hay, nakakainggit ang naging pagbangon ng Vietnam mula sa pagkawasak nila sa Vietnam war, nakakainggit ang resilience at tibay nila.

At ang galing talaga ni Lynette dahil nasa gitna ng market ang hotel na kinuha niya kaya wala kayong ginawa nina Vinia at Rose kundi lumabas at mamili.

Sobrang sarap ng pagkain at full board ang ginawa ni Lynette, kasali breakfast, lunch at dinner Kaya ang saya-saya ng grupo natin.

Naku sure ako, next time, travel buddies na sina Vinia at Rose ni Lynette dahil parang type nito si Lee Seung Gi, ‘di ba Salve at Gorgy?

‘Generosity’

Alam mo Salve generosity is not only with money. Gene­rous ka rin if you share your friends ang people you love with others, especially kung ang tao na ‘yon ay gene­rous at may kakayahan na magbigay.

May iba kasi na kapag meron silang mga kaibigan na generous, ayaw nila na ipakilala sa iba. Ayaw nila maambunan o ayaw nila na masali sa circle nila para hindi matikman ng iba ang generosity ng mga sponsor nila.

Mali ang ganoong ugali. Dapat alam mo to pay forward, what you reap, you should share. Mas masarap na kung ano man ang natikman mo, marami rin ang makakatikim. Sharing is not only paying forward, it is also being gene­rous.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with