^

PSN Showbiz

Kapamilya kinumpirma sina Gerald and Julia!?

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya kinumpirma sina Gerald and Julia!?
Myrtle kasama sina Nay Cristy, Nay Lolit at Mr. Fu

Si Bea nga ba ang nag-tweet?, ‘Once a cheater always a cheater’

‘Confirmed’ ang reply ng isang ABS-CBN insider sa sinasabing relasyon diumano nina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Eh paano si Bea Alonzo? Break na sila? “Dapat lang naman,” the source adds.

Actually, matagal na raw shaky ang relasyon nina Bea and Gerald na nakitang huling magkasama sa baptismal / first birthday celebration ng second baby nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

So kailan kaya aamin sina Gerald at Julia? Or aamin ba?

Ang sabi magsasalita raw today si Gerald at aaming nililigawan nga niya si Julia. “Naku I doubt,” mabilis na reply ng Kapamilya insider na ka-viber ko kahapon.

Anyway, ituloy pa kaya ni Marjorie Barretto ang banta niyang demanda ngayong nag-iiba na ang development ng kuwento?

Mainit pa rin ngang pinag-uusapan sina Bea, Gerald and Julia hanggang kahapon lalo na nang may lumutang na tweet diumano ni Bea na “Once a cheater always a cheater.

“Mababalik ba ng sorry mo yung mga sleepless night ko kakaisip kung anong mali sakin?

“How do we skip the sad parts?

“I lost my smile again,” at marami pang iba.

Pero mabilis ang denial ni Bea na may Twitter account siya.

Hindi talaga nagpadaig ang nasabing isyu sa ginawang pagpapatumba ni Sen. Manny Pacquiao kay Keith Thurman last Sunday.

At maging sa SONA ay hindi nagpakabog ang ‘cheating’  issue ng aktor nung Lunes.

Dahil sa nasabing issue, naungkat tuloy ang iba pang issue sa aktor kahapon sa Take It... Per Minute! (Me Ganun). Kuwento ni Nay Cristy Fermin na nag-celebrate ng birthday kahapon sa digital talk show kung sino ang totoong ‘investor’ ng aktor sa kanyang pinatayong gym.

Pero hindi maalala nina Nay Lolit Solis and Mr. Fu ang pangalan ng nasabing ‘sponsor’ diumano ng actor kaya hindi niya maibuking.

Kilalang mahilig mambuking ng blind item sa nasabing talk show si Nay Lolit kahit winawarningan na nilang hindi puwedeng pangalanan na nagpapasaya at inaabangan ng mga nanonood ng TIPM lalo na sa abroad.

Anyway, naging guest naman kahapon sa TIPM ang Kapamilya actress at Sisters Napkins ambassadress ng Megasoft Hygenic Products Inc. na pag-aari ni Ms. Aileen Choi-Go, na si Myrtle Sarrosa para i-promote ang Sisters Day sa August 4, 2019, 4:00 p.m. sa 1st elevel ng Starmall, Alabang.

Makakasama niya sa Sisters Day sina Young JV, Ryle Santiago and Aljun Cayawan.

Nakuwento rin ni Myrtle na may gagawin siyang bagong teleserye sa ABS-CBN soon na may bed scenes siya. Naalala niya tuloy na marami siyang guestings sa programang Ipaglaban Mo pero para­ting rape victim ang role niya. Minsan nga raw, nag-portray siya ng character na ni-rape ng isang basketball team.

Galing din sa maayos na pamilya si Myrtle. Pulitiko ang tatay niya at negosyante ang mother niya.  Graduate siya ng Broadcast Communication sa UP with honor, Cum Laude. Six years siya bago naka-graduate ng college na sinabay niya sa showbiz noon.

Maalalang nag-post siya sa kanyang IG account na tatlong courses ang kinuha niya, nine semesters, 12 teleserye at 50 shows ang nilabasan niya plus naging housemate pa siya sa PBB, pero naka-graduate pa rin siyang may honor.

Anyway, maraming games and prizes na naghihintay sa mga sister na sasali sa Sisters’ Day.

Hindi lang daw ito para sa sisters, puwede rin sa mothers, fathers and brothers basta may kasamang sisters.

Happy birthday again Nay Cristy at salamat sa pa-cater kahapon. Thank you rin sa mga nagpadala ng cake.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Take It... episode 23, i-like, share and follow lang ang Pilipino Star NGAYON Facebook Page.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON AND JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with