^

PSN Showbiz

Christian, napamahal kay Vice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Christian, napamahal kay Vice
Christian & Vice

Nahirapan si Christian Bables sa kanyang bagong karakter para sa pelikulang The Panti Sisters. Bilang paghahanda sa bagong role ay kinailangan daw pag-aralan ng aktor ang mga kilos at salita ni Vice Ganda.

“Inaral ko si Ms. Vice Ganda, anong mga qualities niya ang dapat i-idolize. Then I ended up crying and laughing. Ibang klaseng tao si Ms. Vice. No’ng inaral ko si Ms. Vice, grabe. I’ve been a huge fan of her humor pero mas minahal ko yata siya ngayon. Ibang klase siyang magmahal sa nanay. Ibang klase ‘yung paninindigan pagdating sa pinaniniwalaan, ang galing. Before hindi ko napapansin ‘yung ganyan ni Ms. Vice, pero nung inaral ko siya mas sinaluduhan ko siya. Kaya pala siya nakarating sa ganyang estado dahil ang galing ng kanyang pagkatao,” kuwento ni Christian.

Kasamahang bida ng aktor sa pelikula sina Martin del Rosario at Paolo Ballesteros na katrabaho din noon ni Christian sa Die Beautiful.

Para kay Christian ay hindi sila nakararanas ng sapawan sa mga eksenang ginawa dahil nagbibigayan silang tatlo. “Walang sapawan, tao lang kami. We’re just living our characters and that’s enough. ‘Yung conscious effort na, ‘Ah, kailangan kong galingan kasi kailangan kong mag-stand out.’ Wala eh, hindi ugali ng isang aktor ‘yon. I’m very lucky to be working with this crew, mga aktor po kasi sila kaya alam nila ang tamang bigay at tamang tanggap,” paglalahad ni Christian.

Javi, Si Angel agad ang kaeksena sa General’s...

Masayang-masaya ang Star Circle 2019 member na si Javi Benitez dahil napabilang na siya sa tele­seryeng The General’s Daughter.

Ayon sa aktor ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumanap siya sa isang soap opera. “My first TV role, tapos ‘yung unang eksena ko kasama si Angel Locsin, si Tito Albert (Martinez), saka si Pau (Paulo Avelino), and ‘yung unang scene namin interrogation,” bungad ni Javi.

Bukod sa nasabing serye ay abala rin ngayon ang baguhang aktor sa shooting ng pelikulang Kid Alpha One.

Kinailangan pang mag-training ng arnis, martial arts at gun shooting ng ilang buwan ni Javi bilang paghahanda sa naturang pelikula. “Pinakamahirap I think ‘yung fight scenes. Mahirap din ‘yung usok sa labas, sobrang init. Like I had to blow my nose three to four times the next day. Kasi nando’n pa rin ‘yung usok. Pero if you enjoy it, worth it. Every scene, kami ni direk Richard (Somes), after we see it, kapag maganda, sumisigaw kami, naha-hype kami. It doesn’t feel like working eh,” pagbabahagi ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabaho ni Javi si Sue Ramirez. “She’s talented, biggest bonus is Ilongga siya. Wala siyang arte, may pagka-rock star din siya,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with