^

PSN Showbiz

Asawa ni Yeng naaksidente sa siargao, nagkaroon ng memory loss!

Pilipino Star Ngayon
Asawa ni Yeng naaksidente sa siargao, nagkaroon ng memory loss!

Pinuntahang hospital walang kagamitan

Sina Karen Davila at Kelsey Merritt ang naalala ni Yeng Constantino  matapos maaksidente ang asawa niya sa Siargao nang tumalon sa isang cliff diving spot sa nasabing isla.

Nagkaroon ng temporary loss of memory ang mister niyang isa ring musician pero walang matinong hospital na agad napagdalhan dito.

Nakabalik na ang memorya nito base sa reply ni Yeng sa isang nag-comment sa post niya kahapon.

Pero inireklamo niya ang doktor na nakita niyang pakuya-kuyakoy pa habang halos mabaliw na sila sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang asawa.

Halos ganito rin ang naging karanasan ng anak ni Karen sa Siargao na naaksidente habang nagsu-surfing lesson last March at naaksidente rin doon ang Olympic medalist na boyfriend ng Victoria Secret model na si Kelsey na   si Conor Dwyer na nagkaroon ng head injury habang nagsu-surf sa Siargao.

Kailangan pa nilang magbiyahe ng malayo para maipa-check at malapatan ng paunang lunas.

Sa kuwento ni Yeng sa kanyang Instagram account kahapon, nakakatakot din ang naging karanasan nila sa isang sana ay masayang bakasyon sa nasabing isla.

“Accident in Siargao and scary na experience sa Dapa Siargao Hospital.?“Sa wakas napost ko na ito today dahil napa CT Scan na namin si Yan at walang hemmorage o namuong dugo sa brain nya. Super grateful kami.?“Pero grabe ang naexperience namin sa hospital sa Dapa Siargao. ?“Naaksidente si Yan sa pagtalon nya sa cliff diving spot sa Sugba Lagoon. After nung impact nagka-memory loss sya. Di nya maalala kung nasan kami, paano kami nakapunta sa Siargao at saan kami nagse-stay. Ang pinakanakatakot para sakin nung tinanong na nya kung anong taon ngayon. Di nya maalala. Pinilit kong ikalma sarili ko. ?Nakatawag naman agad ng ambulance yung bangkero namin(Salamat po mga Kuya!). Nadala namin si Yan sa first hospital sa Del Carmen. Chineck BP nya normal naman, tapos binigyan sya ng pain killer at neck brace dahil masakit ang leeg at ulo nya. Tapos sinabi samin nung medical personnel dun na kailangan daw dalhin sa Dapa Siargao Hospital dahil wala silang pang X-Ray at dun din daw mas kumpleto mga gamit. Nasa isip ko ‘bakit ganun? Sana meron din ditong equipments dahil malapit to sa tourist attractions na my cliff diving at prone to accidents’. Dinrive kami ng ambulance ng mabilis to Dapa Hospital. ?Pambihira! Yung dapat 1 1/2 hours na tinagal namin dun sa Dapa Siargao Hospital ay umabot ng 3 1/2 hours dahil:?“1. Walang operator ng x ray. - yung unang nag x ray kay Yan nag error yung ginawa nya. After 2 hours dumating yung marunong mag operate nung x ray machine.?“So ang ginagawa nila dahil nag error yung x ray they called in medical people from General Luna Siargao Hospital. At ang ginamit nalang nila para makita if may fracture at brain hemmorage si Yan eh Ultrasound ( hindi ko alam kung dapat ba yun dun pero thank you parin sa mga taga General Luna Hosp. sa pagpapakita ng malasakit at urgency para matugunan ang accident ni Yan.) 2. Nakabox pa ang pang emergency scanner para sa brain hemmorage. At pagbukas nito wala pang battery charge so we had to wait para gumana!!! After di magwork ng X Ray, pag ultrsound kay Yan, paghihintay at maraming attitude na lumipad sa ospital eh itong Dra. Esterlina Luzares Tan biglang sinabi na may INFRASCANNER pala sila!

“All this time na buong tensyon ang room sya lamang ang kalma at tila walang pakialam ay meron palang equipment na tinatago na specifically kailangan sa accident na ito! Para po akong mababaliw! ?“3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari.?“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente.?After ng mga nangyaring ito may isang medical staff (ayaw magpapangalan)na kumausap sa bestfriend ko at pinasabi sakin na marami daw talagang namamatay sa hospital sa Dapa Siargao Hospital because of negligence. ?“Sa experience namin malamang lamang na maniwala ako. Kung totoo man po ito sana ay maaksyunan ng local government. Kawawa di lamang ang mga turista kundi ang mga lokal. ?“Habang umaangat ang Siargao sa tourism sana umangat din ang kalidad ng mga Hospitals dito at ang kalidad ng serbisyo sa mga tao! ?Salamat sa pagbasa sana ay may maganda itong mabunga. God bless us all!?“Ps. Si Ms. Karen Davila at Kelsey Merritt may na-experience ding ganito sa Siargao.”

Pero sa kabila ng mga ganitong story, sinasabing patuloy ang pagdagsa ng turista sa Siargao.

vuukle comment

KAREN DAVILA

KELSEY MERRITT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with