^

PSN Showbiz

Kim inaming ayaw magpa-halik kay Xian

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim inaming ayaw magpa-halik kay Xian
Kim Chiu at Sisi Rondina

Dalagang Filipina raw

Mamayang gabi ay mapapanood si Kim Chiu sa isang espes­yal na episode ng Maalaala Mo Kaya. Gaganap ang aktres bilang si Sisi Rondina na kilala sa paglalaro ng volleyball. Kamakailan ay nagkakilala nang personal sina Kim at Sisi at ayon sa aktres ay naging magaan kaagad ang loob niya sa volleyball player. “Because sobrang galing and ‘yung story niya is really inspiring. Tapos parehas pa kaming Bisaya na taga-Cebu. So no’ng nagkita kami, sobrang, aahhh. Gano’n di ba ‘pag mga Bisaya nagkikita parang magkaibigan na agad,” nakangiting kwento ni Kim.

Kahit marunong nang maglaro ng volleyball ay nag-practice pa rin ang aktres nito bilang paghahanda para sa taping ng MMK. “Inaral ko na rin kahit konti para naman hindi ako mapahiya kapag nando’n si Sisi,” dagdag pa ng dalaga.

Nakaramdam umano ng pressure si Kim dahil nasubaybayan din niya mismo ang naging karera ni Sisi sa University Athletic Association of the Philippines o mas kilala sa tawag na UAAP. “I’ve been following her journey sa UAAP kaya medyo may alam ako sa kanya. Medyo mas nakaka-pressure pala ‘pag kilala mo ‘yung tao na pino-portray mo,” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, may bulung-bulungan na mukhang may problema ang magkasintahang sina Kim at Xian Lim. Nagsimulang pumutok ang balita nang kumalat ang video ng dalawa kung saan ay halatang ayaw magpahalik ng aktres sa binata. “Birthday niya ‘yan, twelve midnight. Tapos ‘yung mga tao, ‘kiss, kiss,’ Ang daming camera tapos si Xian medyo nakainom na siya. Eh ano ako, Chinese, conservative, dalagang Filipina,” natatawang paglilinaw ni Kim.

Alex, nagpakita ng balun-balunan sa pelikula

Kamakailan ay tinanghal si Alex Gonzaga bilang Phenomenal Artist of the Year sa 2019 MOR Pinoy Music Awards para sa hit song niyang Chambe. Hindi inakala ng aktres na sisikat ang naturang kanta dahil nagsimula lamang ito sa kulitan nila ng pamangking si Seve. “Super nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta. Kasi nagsimula lang naman ito sa biro. Tapos thankful ako sa Star Magic dahil hinayaan nila kami gumawa ng full song. Without Seve hindi naman mabubuo ang salitang ‘chambe’ eh. So hindi ko naman maiisip na sayawan siya kaya super thankful ako kay Seve,” nakangiting pahayag ni Alex.

Samantala, nakipagsabayan ang dalaga sa pagpapaseksi kay Kylie Verzosa sa bagong pelikula kasama si Xian Lim na may working title na Love The Way You Lie. “Nagulat sila na natalbugan ko sila. Nagpakita ako ng balun-balunan dito eh. Hindi very rom-com (romantic comedy) na mayroong konting bed scene. Kasi namatay ako dito kaya   may bed scene,” natatawang pagbabahagi ng aktres.   (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

SISI RONDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with