^

PSN Showbiz

Mark, beauty queen din ang ipinalit kay Winwyn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, beauty queen din ang ipinalit kay Winwyn
Mark Herras at Nicole

Mukhang may nakabihag na ng puso ni Mark Herras sa afternoon drama nilang Bihag.

Si Nicole Donesa raw ito na kabilang din sa naturang serye pero ayaw pa akong sagutin ni Mark nang tinext ko siya.

Nasagap ko lang sa ilang sources na mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa at napapansin na ito ng ilang fans.

Medyo bago pa lang kasi dahil lately lang naman sila nakikitang lumalabas. Hindi nga masabi kung nililigawan na ito ng Kapuso actor.

Isa rin sa mga talent ng GMA Artist Center si Nicole pero dati itong sumasali sa ilang beauty competitions.

Kung hindi ako nagkamali, nag-Binibining Pilipinas din siya at sumali rin siya sa Miss World Phi­lippines nung 2014 pa, at naging third princess siya roon.

Ayon pa sa nasagap kong kuwento, okay daw ang pamilya ni Nicole at tanggap nga raw si Mark.

Relihoyoso kasi ang pamilya ni Nicole at napapasama raw si Mark sa pagsisimba tuwing Linggo.

Sumasama rin daw si Mark kay Nicole na nagsisimba sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

Kung si Manay Lolit Solis ang tatanungin, gusto niya talaga si Winwyn para kay Mark dahil kailangan daw talaga ng alaga niya ng babaeng magbigay ng impluwensya at medyo kokontrol sa kanya.

Wala na kasing magulang na sinasandalan si Mark, kaya kailangan daw talaga ng partner na maganda ang impluwensya sa kanya. At iyun ang nakikita niya kay Winwyn.

Kaya malay natin, baka maganda rin ang impluwensya ni Nicole sa binata.

Mahigit limang buwan na rin namang break sina Mark at Winwyn Marquez, kaya pareho na rin naman siguro silang nakapag-move on at panahon na ring makahanap ng kapalit.

Julie Anne nangako ng mga pasabog  sa major concert

Inaasahang susuportahan si Julie Anne San Jose ng mga close friend niya sa Kapuso network sa kanyang malaking concert, ang Julie Sings the Divas na gaga­napin sa The Theater at Solaire ngayong gabi.

Medyo pressured si Julie Anne sa concert niyang ito dahil ibang-iba raw ito sa mga nagawa niya.

Pawang mga hit song ng mga paborito niyang divas ang kakantahin niya, at sabi nga ni direk Louie Ignacio, bukod sa UP Concert Chorus na makakasama ni Julie sa karamihang numbers nito, matitindi ang mga pasabog niya at paseksihan dito. “May gagawin dun si Julie Anne especially yung opening, yung dance number niya plus pasabog na wardrobe and costumes niya.

“Pag diva, expect n’yo na ang pakabog niya,” pahayag ni Direk Louie. “Ayoko munang i-spoil, pero basta,” napapangi­ting pahayag ni Julie Anne nang tinanong namin kung gaano siya ka-sexy sa mga isusuot niya sa concert.

Pero hindi lang naman paseksihan ang aaba­ngan dito sabi ng musical director na si Danny Tan. “Musically and visually busog na busog kayo. Hindi yung basta na tugtugan lang. Dito ma-compliment ang boses ni Julie Anne.

“Mahihirap yung mga song, pero alam ko na kakayanin niya. Madali kasing turuan si Julie Anne,” excited na pahayag ni Maestro Danny Tan.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with