^

PSN Showbiz

Kiana may tour kasama ang English singer

Pilipino Star Ngayon
Kiana may tour kasama ang English singer

MANILA, Philippines — Exciting ang mga proyektong hinahanda ng ABS-CBN Music, sa pamamagitan ng bagong global label nito na Tarsier Records para sa isa sa mga tentpole artists nito na si Kiana Valenciano.

Nasa ilalim ng Tarsier ang R&B singer-songwriter na si Kiana mula pa noong 2017 at nakapag-release na siya ng playlist-worthy tracks mula sa kanyang Grey EP, at kamakailan lamang nilabas din niya ang kanyang debut album na pinamagatang See Me at nasungkit pa niya ang McMillanWoods Global Awards bilang Most Promising Female Recording Artist of the Year.

Nais ng Tarsier na iangat si Kiana sa mga internationally-produced tracks, at mga border-crossing promotions at events na naglalayong i-expand ang reach ni Kiana at gamitin ang kanyang musika upang ma-showcase din ang talento ng mga Pilipino.

Ngayong darating na Agosto 20, makakasama si Kiana sa Manila tour ng English singer-songwriter na si Mahalia.

Patuloy ang Tarsier Records at ABS-CBN Music sa kanilang commitment bilang tahanan na nag-champion sa talentong Pilipino sa global stage. At si Kiana ang unang babaeng artist na kanilang susuportahan.

vuukle comment

KIANA VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with